Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 26, 2008

Pokwang to Joey de Leon: "Peace."


Pokwang to Joey de Leon: "Peace."

Pokwang to Joey de Leon: "Peace."
Lumaki na ang isyu tungkol sa pagpapalit ng lyrics ni Joey de Leon sa kanta ng Beatles na "Imagine" sa show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles noong July 19, kung saan tinawag niya diumanong "mukhang aswang" ang ocmedienne na si Pokwang.

Idinipensa naman ng host ng Wowowee na si Willie Revillame ang kasamahan niya sa programa sa live telecast nila noong August 18. Sinabi ni Willie na kung may galit si Joey sa kanya ay siya na lang ang pagbalingan nito at huwag nang mandamay ng ibang tao. Tinutukso raw kasi ang anak ni Pokwang sa eskuwelahan na "aswang" ang nanay niya. (Click here to read related article.)

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Pokwang, inamin ng komedyana na sa kabila ng mga nangyari ay nandun pa rin ang kagustuhan niya na matuldukan ang gulo sa pagitan nila ni Joey.

"Sana matapos na ang gulo. Maliit lang ang industriya, darating ang araw na magkakatrabaho din kami kaya ayoko na ng ganyang mga away o gulo," saad niya.

Sa nabalitang pakiusap daw ni Willie sa Comedy King na si Dolphy na pag-ayusin sila ni Joey, mukhang malabo na raw itong mangyari ngayon dahil nakapagbitaw na rin ng ilang salita si Willie laban kay Joey upang ipagtanggol si Pokwang. Para sa komedyana, isa itong bagay na sana ay magkatotoo para na rin sa mga manonood. Nagpahayag din si Pokwang na sobra siyang na-touch sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Willie.

"Sana tama na yung mga ganyan," pakiusap niya. "Pinapanood tayo ng mga humahanga sa atin, from bata to matanda, especially sa mga bata. ‘Pag nakikitang ganito nang ganito, ano ang iispin nila? Anyway, sa Channel 2, hindi naman sa amin nagmumula, tahimik lang kami.

"Actually," patuloy niya, "natutuwa ako at ang buong pamilya ko sa ginawa ni Papi [Willie], sobrang nagpapasalamat kami sa kanya. Kung ako, dededmahin ko na lang talaga pero, siyempre, sa awa sa akin ni Papi, hindi na lang niya napigilan yung sarili niya, yung damdamin niya sa akin bilang isang tao, bilang ako sa ginawa niya."

Aminado si Pokwang na noong una ay hindi siya apektado sa pagtawag diumano sa kanya na "mukhang aswang." Pero kalaunan ay naapektuhan na rin siya nang makita niyang apektado na ang anak na si Ria Mae.

"Nung una, okey lang. Pero nung naapektuhan na yung bata, siyempre bilang ina, bilang isang babae, nasaktan na ako. Hindi ako nasaktan dahil tinawag niya akong aswang dahil hindi naman totoo. Yung tuksuhin lang ang anak ko, yun ang malaking issue. Sabi ko na lang, bayaan na lang kasi ang tao naman ang manghuhusga.

"Totoong naiyak ako kasi marami palang nagmamahal sa akin. Nakita ko yung reaksiyon ng mga tao, nabasa ko yung mga e-mails. Kaya ako naiyak because ang daming nagmamahal at sumusuporta sa akin," lahad ni Pokwang.

Nang tanungin naman kung may mensahe siya para kay Joey, simple lang ang isinagot ni Pokwang: "Isang word lang, peace."

Bukas, August 27, ay magse-celebrate ng kanyang kaarawan si Pokwang. Ito ang kanyang birthday wish: "Sana dumami pa lalo ang mga kaibigan ko at sana maging malusog lang bawat isa sa pamilya ko. Manatiling No. 1 ang ABS all over the world."



Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: