Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Piolo Pascual payag makatambal si Marian Rivera

Piolo Pascual payag makatambal si Marian Rivera

ITINANGGI ni Piolo Pascual ang isyung nag-backout siya sa nakaraang Bench Blackout show.

“I did not back out. Nu’ng una pa lang, tumanggi na ako. It’s my personal conviction na huwag nang sumali,” pahayag ng aktor nang humarap siya sa press kahapon kasabay ng pag-renew niya bilang endorser ng Max’s Restaurant.

Alam niyang kaila­ngan niyang sagutin ang isyung iyan sa nakaraang Bench show pero wala raw siyang dapat ipaliwanag.

Kahit kinumbinsi siya ni Mr. Johnny Manahan na sumali, desidido siyang huwag na.

Sasarilinin na lang daw niya ang dahilan para huwag nang humaba ang usapan.
Hindi raw siya cons­cious kung sino ang mauna o malagay sa finale dahil wala raw sa kanya kahit saan siya ilagay kung sakali.

Talagang wala raw siyang balak na sumali sa show na iyun.
Ang pagkakaalam ko, merong sariling launch si Piolo sa isang produkto ng Bench pero ayaw pa muna niyang pag-usapan ito.

Nagkausap sila ni Ding­dong Dantes kamakailan at nag-conrats siya sa mainit na pagtanggap dito sa show na iyun.

Natutuwa raw siya at naging bahagi ng Bench family sina Ri­chard Gutier­rez at Dingdong. Masaya raw siya sa magandang career ng dalawa sa Kapuso network.
Matagal bago naka­sagot pero bahagyang ngumiti si Piolo nang kinunan siya ng reaksyon sa sinabi ni Tita Anabelle Rama na ayaw nitong ipatabi si Richard kina Dingdong at Piolo dahil matanda na ang dalawa.

“Kanya-kanyang opinyon naman iyan, eh. Okay lang sa akin iyun pero hindi naman talaga ako kasali ru’n, eh,” sagot ni Piolo.

Masaya si Piolo sa takbo ng kanyang career kaya tingin niya, hindi na kailangang idamay pa siya sa gulong iyun ng nakaraang Bench show.

Hindi rin agad nakasagot si Piolo nang kinunan ng pahayag tungkol sa nakaraang away nina Claudine Baretto at Angel Locsin na parehong malapit sa kanya.

Isa sa dalawang aktres ay nakausap niya pero ayaw na niyang i-share kung ano ang pinag-usapan.

Wala siyang pinapa­nigan sa dalawang kaibigan niya at ayaw na rin niyang mag-comment pero natutuwa siya at nagkaayos na ang dalawa.

Sa pagsasama nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa pelikula, open daw siya sa ide­yang gumawa ng pelikulang ka-partner ang isang Kapuso talent.
Pagkatapos niyang gu­mawa ng pelikula kay Regine Velasquez, okay rin sa kanya na maka­tambal sa pelikula si Ma­rian Rivera.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

fan102 said...

go Piolo and Marian! super bagay kayo sa Blue Water Day Spa endorsement.. kaya mag-movie na rin kayo! =))