Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

Piolo Pascual flattered by Sarah Geronimo's desire to do movie with him

Piolo Pascual flattered by Sarah Geronimo's desire to do movie with him

Piolo Pascual flattered by Sarah Geronimo's desire to do movie with him
Naanyayahan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa paglulunsad ng Pure Passion, ang male scent ng Bench na nire-represent ni Piolo Pascual bilang product endorser. May katapat din itong clothing line, kaya naman kitang-kita kay Piolo nang gabing yun sa Music Hall ng SM Mall of Asia, Manila, ang sobrang kasiyahan, dahil tumugon ang Bench sa isa sa matagal na niyang pinapangarap.

WON'T WALK THE RAMP IN UNDIES. Pagkatapos ng fashion show at mini-concert na tinampukan ni Piolo, nagpaunlak ng interview ang aktor, at doon ay nilinaw niya finally kung bakit hindi na siya lumitaw pa sa Blackout underwear show ng Bench noong nakaraang buwan sa Araneta Coliseum.

"Nilinaw ko na yun, na walang intriga roon, kung yun ang inaakala nila," sabi pa ni Piolo. "When I signed up with Bench, stipulated sa contract na hindi ako basta lalabas sa underwear show, wearing just underwear, o yung tipong sexy.

"Kasi, based na rin yun sa personal convictions ko. Nagkataon lang kasi na kasunod niyon, itong launching ng Pure Passion. It's not mainly the reason why I wasn't part of last month's Blackout.

"Before signing the contract, personal request ko yun, na sana, hindi na ako part pa ng underwear show. Pinagbigyan naman nila at naiintindihan nila," pahayag ni Piolo.

Nagkaroon man ng intriga, it's because Piolo comes from a clean slate, so to speak, hindi na siya nakaladkad pa sa iba pang mga isyung nag-ugat sa nabanggit na event ng Bench.

"Hindi na talaga ako kumportableng rumampa nang nakahubad," sabi pa ni Piolo.

True enough. Sa Pure Passion launch, hindi nakitang nag-half-naked man lang si Piolo, samantalang ang iba pang kasama niyang male models doon ay talagang nagpakita ng kanilang mga katawan.

MOVIE WITH ANGEL. Ngayon pa lang ay inaabangan na ang matagal nang nai-press release na pelikulang gagawin nina Piolo at Angel Locsin.

"Tuloy pa rin yun, inaayos na lang ang lahat, and definitely, it will be very different from Lobo," sabi pa ng aktor. "May pagka-mature pa rin yung roles namin ni Angel. Bahala na roon ang direktor naming si Rory Quintos, kung paano ang magiging execution sa gagawing movie, if ever."

SARAH WANTS PIOLO. Pero, ang totoong mas interesting ay ang pagsasabi ni Sarah Geronimo na gusto niyang makapareha si Piolo sa isang pelikula.

"Wow, I'm flattered!" bulalas ng aktor. "Super-lakas sa takilya ang movie nila ni John Lloyd [Cruz], and she's already a box-office star, if you will look at it. Nang sabihin niya yun, ang sabi ko sa mga taga-Star Cinema, fix na our schedules. Gusto kong gumawa agad ng movie with her.

"I find her very good. Hindi lang as a singer. Very versatile. I'm very sure, maggu-grow pa siya. Given the opportunity to do a movie with her, it will be my pride and pleasure."

PIOLO'S CONVICTIONS. Going back sa isyu ng paghuhubad, tumataas ang kilay ng marami dahil all of a sudden, bakit may ganitong conviction si Piolo?

"Yeah, I did some baring before, maski sa movies, baka gawin ko pa rin 'yan. Pero, iba yung sa rampa. Hindi ko pa nagagawang rumampa nang nakahubad.

"I did ramp modeling before for Inno Sotto, pero hindi naman ako nakahubad doon. Naka-suit nga ako.

"Sa commercials, depende pa rin 'yan sa storyboard. Like sa San Mig, I have to do that, kasi, ang ini-endorse ko, sugar-free. It's not naman ramp modelling, 'di ba?" paglilinaw pa ni Piolo.

Kumalat nga kasi ang chikang magpa-pastor si Piolo dahil sa religious convictions niya. Natawa nang bahagya ang aktor tungkol dito.

"Let's see where God will take me. Pagdating sa bagay na 'yan, bahala na ang Diyos sa akin, kung ano ba ang plano niya.

"Kung saan Niya ako dalhin, I will just go there. Sa ngayon, sa mga ginagawa ko sa showbiz, I see to it na kasama ang Panginoon doon, kaya maingat ako, and I have convictions to protect, at sana, respetuhin din yun ng ibang tao," paglilinaw ng aktor.





Source: PEP







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: