Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Piolo Pascual at Angel Locsin movie, sa disyerto ng Australia kukunan


Piolo Pascual at Angel Locsin movie, sa disyerto ng Australia kukunan

Piolo & Angel

TULOY na tuloy na ang movie nina Piolo Pascual at Angel Locsin under Star Cinema. Next week ay nakatakda na silang magpunta sa Bukidnon para mag-shoot.

After Bukidnon, lilipad naman sila ng Australia para roon kunan ang malaking bahagi ng movie.

Balitang nag-occular visit na ang direktor ng pelikula na si Rory Quintos sa lugar na pagsu-syutingan sa nasabing bansa.

Sa outback ng Australia kukunan ang movie. Disyerto’t malayo sa kabihasnan. Ang grocery nga raw, three hours away kaya nakakaloka talaga.

Katakut-takot na e-mail at inquiries na ang natatanggap ng Star Cinema para sa nasabing Piolo-Angel movie.

Matapos ang successful team-up ng dalawa sa Lobo noong July, tila “bitin” pa ang mga tao’t nag-aabang na ng follow-up project.

Matatandaang ang last episode ng Lobo noong Hulyo ay nag-number one base na rin sa resulta ng NUTAM ratings for the said month.

Ayon sa Star Cinema people, maging ang DVD sales ng Lobo ay napakataas, proof kung gaano kagusto ng tao ang serye pati na rin ang team-up nina Piolo at Angel.

This early, ayon pa rin sa Star Cinema, napakarami nang inquiries na natatanggap ng produksyon mula sa ibang bansa para sa pagpapalabas ng premiere night ng hindi pa nasisimulang Piolo-Angel movie.

Nagpakita na raw ng interes ang ilang cities sa USA at maging ang London.

“Malakas talaga sina Piolo at Angel sa TFC,” say pa ng taga-Star Cinema.

Kasabay nito, nakatakda ring magsimula ang produksyon ng Vhong Navarro-Toni Gonzaga starrer na may working title na Hurry Love.

Mayroon din silang sisimulan na Vilma Santos-John Lloyd Cruz movie na 80 percent ay kukunan sa New York at isang horror film starring Maricel Soriano to be directed by Chito Roño.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: