Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Pelikula ni Jolina Na I.T.A.L.Y. -- Hindi Maipalabas labas!

Pelikula ni Jolina Na I.T.A.L.Y. -- Hindi Maipalabas labas!

Jolina Concert - 2/23/2008
Malakas ang balita na di-umanoy, natatakot ang GMA Films, na ipalabas, ang pelikulang I.T.A.L.Y. ni Jolina Magdangal. Dapat ay early June pa ito ipapalabas, kaso inatras nila from June to July. May balitang natakot di-umano ang GMA Films, na isabak ito, o itapat sa Star Cinema Film na "Caregiver".

From early July, ginawang August, dahil sa nagbigay daan muna sila, sa pelikula nang GMA Films at Regal.. Ito ang "My Monster Mom" na pinagbidahan nang kapamilya star na si Ruffa Gutierrez, at ina nitong si Anabelle Rama. Sumabay din ang pelikula nang co-kapuso star na si Regine Velasquez, Michael V, at Allan K, ang "Urduja". Kayo naudlot ulit ito.

From early August to early September, ay na move uli ito, dahil sa di umanoy, pelikula ulit nang Star Cinema. Ang "A Very Special Love" na talaga namang sobrang pinilahan, at hanggang ngayon ay patuloy, pa din pinipilahan. Di umanoy, natakot daw ang naturang film outfit, dahil sa lakas nang impact nito. Kaya na move ito nang late August. Tapos nag karoon pa nang pelikula sina King of Comedy Dolphy, at Bossing Vic Sotto, na sinasabing isa sa mga dahilan nang pagkakalipat nang pelikula.

From late August to middle of September naman ngayon ang drama, nang pelikulang ito. Dahil ayaw daw di-umano nilang isalpok ang pelikulang ito sa ginawang pelikula nang co-kapuso star na si "Richard Gutierrez" sa Star Cinema na "For The First Time" together with, certified kapamilya star na si KC Concepcion.

Anyway, ang sa amin lang kung ako ang nagproduce, nang film, at tiwala ako sa istorya, maging sa mga artistang gumaganap nito, ay hindi ko dapat ipagpaliban ang pagpapalabas nito. Kung ano ang nakatakda. Yun dapat ang sundin.

Pano kung may tumapat uli na local films by mid of September?

Matuloy pa kaya ito?

May balak pa ba talagang ipalabas ito?

Abangan!









JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: