Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Partida, wala pang relasyon 'yan...POLO RAVALES, 'NAIKAMA' NA SI JEAN GARCIA, NAI-SHOWER PA


Partida, wala pang relasyon 'yan...POLO RAVALES, 'NAIKAMA' NA SI JEAN GARCIA, NAI-SHOWER PA















SA presscon ng Regal Films Loving You, napagtripang pag-usapan ang relasyon ng ilan sa cast ng pelikula na sina Polo Ravales at Jean Garcia.

Sabi ni Polo, "Wala akong nakikitang disadvantage kung medyo older ang babae sa isang relasyon. More of the advantages ang nakikita ko. 'Yung wave length namin, magkaiba siyempre."

Sa mga nakaka-tickle na eksena, paliwanag naman ni Jean, "'Di kami apektado. May bed scene, may shower scene at three torrid scenes ang ginawa namin. Puro take one ang mga eksena namin except siguro sa mga technical errors talaga."

Pero 'di mo talaga mapapaamin nang diretsahan na may relasyon silang dalawa kahit na nga sa kanilang mga pagpapaliwanag ay masisilip mong may namamagitan talaga kina Polo at Jean.

Kasi, ibinisto sila ni Direk Don Cuaresma, director ng Loving You. Sa pagdidirek niya raw, "'Di na sila kailangang pigain, may kargada talaga. 'Yung mga suot naming pulang-pula ngayon, nagre-represent lang 'yun ng tunay na feelings nia sa isa't isa."

Ang ginawa ni Jean, pabirong ibinato ang kahon ng tisyu paper niya kay Direk Don kaya nagtawanan ang lahat ng mga press people na nasa presscon.

Hindi lang sina Jean at Polo ang ibinuking ni direk, kundi pati sina JC de Vera at Yasmien Kurdi.

Sey nito, "Built-in na 'yung pagmamahal nila sa isa't isa."

Kaya, swak na swak talaga 'yung title ng movie na Loving You.

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: