Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Parang 'di anak ni Da King...LOVI POE, SUPPORTING NA LANG NI RHIAN RAMOS

Parang 'di anak ni Da King...LOVI POE, SUPPORTING NA LANG NI RHIAN RAMOS















PAGKATAPOS ng Kaputol ng Isang Awit at kontrobersiyal sa love life ni Lovi Poe kay Jolo Revilla ay mukhang nanahimik na ito. Nakita na lang namin siyang guest sa concert ni Gabby Concepcion sa Music Museum at tampok sa Dear Friend sa GMA-7.

Bagama't hindi umaamin si Lovi na boyfriend niya si Jolo, aminado naman ito na mahal niya ang binata. Kahit sinasabi nilang lie low na sila ay nakikita pa rin ang dalawa na magkasamang nag-shoshopping at lumalabas.

Anyway, busy din pala si Lovi sa kanyang pag-aaral dahil kumuha siya ng Psychology sa Miriam College at kasama rin siyang mag-iikot sa 20-city tour ni Gabby.

May solo concert din pala si Lovi sa Music Museum sa October 16 titled Bloom at guests sina Ogie Alcasid, Jay-R, Jan Nieto, Dennis Trillo and other surprise guests. Manood kaya si Jolo kahit maraming umaayaw sa kanya sa kampo ni Lovi?

Pagselosan din kaya ni Jolo si Aljur Abrenica dahil balitang ka-duet ito ng aktres sa bago niyang album sa Sony BMG titled Save the Sunlight?

May alingasngas din na kasama siya sa La Lola na pinagbibidahan ni Rhian Ramos. Okey lang ba na maging supporting siya sa teleserye ni Rhian?

Kasama rin siya sa filmfest movie na Shake, Rattle and Roll X at Paukay-Ukay ng Regal Entertainment.

'Yun na!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Juryoflove said...

ALJUR ABRENICA at LOVI POE, may international movie?

Written by Archie de Calma
December 7, 2008


MAYROON DAW FILIPINO indie film director from Hollywood ang interesadong gawan ng international movie sina Aljur Abrenica at Lovi Poe. Napag-alaman na ito ng GMA Artist Center at pumayag na ito sa kaso ni Aljur through his manager, si Rommel Gacho. Walang problema kay Leo Dominguez na manager ni Lovi.


Kaya lang, may existing contract pala sina Aljur at Lovi sa Regal. Nakapagtataka na sa ganitong pagkakataon, hindi raw pumayag si Mother Lily Monteverde na gawin ng dalawang artista niya ang nasabing proyekto, lalo na nang mabasa na nila ang script.


Palagay namin, gusto lang bumakas ng Regal Entertainment sa proyektong ito. Ang point lang dito, wala naman daw malinaw na plano kina Lovi at Aljur sa Regal. Itong huli, isinasali-sali lang sa kung anu-anong pelikula na tipong pamparami. Ganoon din si Lovi na minsan lang nakagawa sa Regal, and then, wala nang sumunod pa dahil ang nasagap namin, gusto itong paganapin ng roles na tipong best friend lang ng bida, which is a waste of time.


Kaya nga nakakapag-indie itong si Lovi, at siya ang bida sa pelikulang prinodyus ni Jacky Woo, ang Walang Hanggang Paalam, na anytime ay ilalabas na raw.


Nakatanggap kami ng e-mail from a certain Kriztine Diaz na nag-inform sa amin tungkol sa proyektong ito na malamang na hindi masimulan kung hindi nga papayag si Mother Lily.
Sabi pa niya sa e-mail, nakapag-organize na sila ng fan club para kina Aljur at Lovi, tinawag nilang Jury of Love. Ewan lang kung dahil sa naisulat naming ito, maka-catch namin ang attention ni Mother Lily, o baka tuluyang ibasura na lang niya ang Hollywood movie kuning at siya na lang ang mag-produce ng pelikulang pagbibidahan ng dalawa.