Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

'Pag nakita sa network ang isinusukang editor...BANTA NI JOEY DE LEON: SIYETE, LALAYASAN!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

'Pag nakita sa network ang isinusukang editor...BANTA NI JOEY DE LEON: SIYETE, LALAYASAN!


SUMOBRA naman yata ang galit ni Joey de Leon sa editor na si Dindo Balares dahil umabot siya sa puntong pati sa presscon ng GMA-7 ay ipinatatanggal niya ang kasamahan sa hanapbuhay.

Ayon sa TV host-comedian, sa oras daw na makita niya ang katotong Dindo sa mga presscons ng GMA-7 ay magri-resign siya sa lahat ng programa ng Siyete.

Naisip na lang tuloy namin, ganu'n ba ka-apektado si Joey sa isinulat ng editor-columnist na flop ang Eat...Bulaga! sa US show nila kamakailan?

The TV host-comedian vehemently denied the story at naklaro naman niyang hindi flop ang show. Pero talagang nagpupuyos pa rin siya sa galit to the point na pati ang trabaho ni Dindo ay gusto niyang mawala.

Imagine, pati ang GMA-7 presscons ay gusto niyang saklawan? E, paano 'yan, invited si katotong Dindo sa presscon ng GMA Records ngayong tanghali? Makansela kaya ang imbitasyon kay katotong Dindo para pagbigyan si Joey? At kung hindi naman, ituloy kaya ng TV host-columnist ang kanyang threat na magri-resign?

Parang mas masarap pa itong abangan kaysa sa mga teleserye, huh?

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: