Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Okay lang kay Dolphy na sarilinin ni Vic si Riza!

Okay lang kay Dolphy na sarilinin ni Vic si Riza!
Written by Chit Ramos
Riza Santos in PJ Aranador Fashion Show at NESTEA Beach 2008

LAHAT NG NAKAKITA ng trailer ng Dobol Trobol ay hindi naniniwala na hindi tinablan si Bossing Vic Sotto sa alindog ng isang Riza Santos.


Si Vic kasi ang katambal dito ni Riza at lahat ng tsansang mayakap o mahalikan ang dalaga mula sa Canada ay puwedeng-puwede. Pasalamat marahil si Pia (Guanio) at matinong babae itong si Riza. Kundi, mamamatay siya sa selos.


Virgin pa si Riza sa edad na 20. Kahit laking Canada siya, she really made it a point na panatilihin ang kanyang virginity, for many reasons. Para maging magandang ehemplo ng katatagan niya sa tukso, lalo’t nasa mundo siya ng showbiz. Marami ang nagtataas ng kilay sa pahayag na ito ni Riza.


“I haven’t experienced having a boyfriend yet,” katwiran niya. Kahit si Will Devaugnh na nakasama niya sa PBB Celebrity Edition, naniniwala sa sinabi ng dalaga. Kundi ba naman, “bibigay” na ito sa binatang dayuhan na pinagnanasahan ng sangkatutak na babae paglabas sa “Bahay Ni Kuya.” Nakaragdag sa katangian ni Riza ang pagiging virgin niyang ito, bukad sa pagiging matalino, sexy at ubod ng ganda.


In so many instances, napapalunok na lang ng laway ang puwedeng taguriang “The Other Comedy King.” Ayaw kasi ni Vic sa tronong inaalok sa kanya ni Pareng Dolphy. Come to think of it, mas bagay na maging “The Other Comedy King” na lang si Bossing Vic, di ba?
Hindi rin papalag si Pareng Dolphy na sarilinin ni Bossing Vic si Riza. Naniniwala ang BullCHIT na retired na talaga ang “Comedy King” sa pambababae. Tanging si Zsa Zsa Padilla na lang ang babae sa kanyang buhay ngayon.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: