Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

Offer ng GMA, tinanggihan ni Ruffa

Offer ng GMA, tinanggihan ni Ruffa

Ruffa Gutierrez

NAG-EXPIRE na ang contract ni Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN noong July 31.

Right away ay nakatanggap diumano ito ng offer mula sa GMA 7. But Ruffa decided to renew her contract with ABS-CBN kahit pa mas malaki raw ang offer ng Kapuso network.

Sa bago niyang contract, mas mataas na ang presyo nito at may exclusivity.

Ipinarating kay Ruffa ng mom niyang si Annabelle Rama ang tungkol sa tempting offer ng GMA 7.

“Happy na ako sa ABS,” ani Ruffa.

Hindi na in-insist ni Annabelle kay Ruffa ang GMA offer.


Kadalasan pala, it’s Ruffa who decides pagdating sa mga offer sa kanya. Kay Annabelle lang dumaraan ang inquiries.

Bilang gift sa sarili, Ruffa planned an out-of-the- country trip next week kasama ang mga kaibigan at katrabaho.

Pero ayaw nang ipabanggit ng aktres kung saang Asian country siya pupunta.

Sabay ng one-week vacation, aalis din ng bansa ang co-stars niya sa I Love Betty La Fea na sina Bea Alonzo at Vhong Navarro.

May show sa New Jersey sina Vhong at Bea kasama si John Lloyd.

ERIC JOHN SALUT
Journal Online






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: