Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

NEGATIBO ANG DATING NANG GMA 7

NEGATIBO ANG DATING NANG GMA 7

KC-Richard Camera Test 026

NEGATIBO ANG DATING ng balitang tatapatan ng show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang first day of showing ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion na For The First Time ng Star Cinema Productions. Deadma naman ang taga-Star Cinema na nakausap namin regarding this issue.


Pero ayon naman sa reaksiyong nakukuha namin sa mga fans na nag-iisip kung bakit ginawa ‘yon ng GMA-7, desperado na raw ba talaga ang GMA at kailangan pa nilang tapatan ang first movie ni KC at ni Richard sa Star Cinema?


Nalulungkot ang mga fans nina KC at Richard dahil sinasabotahe ng GMA7 ang movie ng dalawang showbiz royalties. To think na gagawa pa naman daw ng movie si KC sa GMA Films next year. Si Richard naman, contract star pa man din nila.


At ayon naman sa ilang showbiz analysts, it’s bad daw for the business dahil mismong ang GMA-7 ang sumisira sa kanilang produkto. Baka nga tabangan na rin si KC sa paggawa ng movie sa GMA-7 dahil sa ginawa nilang ‘yan, huh! But knowing KC, napaka-professional ng anak na ito ni Megastar Sharon Cuneta kaya posibleng sumunod pa rin siya sa kontrata.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: