Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Nagpakatotoo lang Sharon Cuneta, RUFFA GUTIERREZ, MATAGAL NANG TYPE SI GABBY CONCEPCION

Nagpakatotoo lang Sharon Cuneta, RUFFA GUTIERREZ, MATAGAL NANG TYPE SI GABBY CONCEPCION


GANDANG-GANDA kami kay Ruffa Gutierrez sa ilang scenes na ipinakita on television kung saan kontrabida siya sa I Love Betty La Fea. Since model siya rito, naipakita niya ang kakayahan niya.

Ang galing magdala ng damit ni Ruffa at ang laki ng ipinayat niya which really suited her.

Sa interbyu sa kanya, naitanong kung type niyang makatrabaho si Piolo Pascual sa pelikula. Sabi nito, "He is a good actor at sino ang 'di magkakagustong maging leading man siya?"

At si Gabby Concepcion?

Sey ni Ruffing, "Bata pa ako, crush ko na talaga siya, and I would love to work with him."

At si John Lloyd Cruz?

"Barkada siya ng mga kapatid ko at siyempre, type ko rin siyang makatrabaho," sagot ni Ruffa.

Inintriga ito at natanong kung posible bang makatrabaho niya si Senator Bong Revilla Jr. sa Star Cinema movie.

Very positive ang answer ni Ruffa, okay lang daw.

"Pero, hindi ako madi-develop sa mga ganyan. Ayoko nang may sabit. Siyempre naman, I deserve the best, "dagdag pa nito.

Of course! First and foremost, beauty queen si Ruffa at 2nd runner-up pa sa Ms. World.

Fear lang namin sa I Love Betty La Fea, 'di niya kaya masapawan dito ang tunay na bida na si Bea Alonzo? With her fabulous wardrobe at pagiging standout as a fashion model, may possibility na ma-outshine niya ang tunay na bida sa teleseryeng ito.

Pero alam naming hindi papayag ang people behind the project na madehado ang tinatawag na Drama Princess ngayon ng Dos na si Bea Alonzo.

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: