Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 5, 2008

Mo Twister and Ogie Diaz settle age-old issue after confrontation


Mo Twister and Ogie Diaz settle age-old issue after confrontation

PEP EXCLUSIVE: Mo Twister and Ogie Diaz settle age-old issue after confrontation
Radio hosts and TV personalities Ogie Diaz and Mo Twister finally settled their issue, but only after a confrontation.

Isa sa unnoticed sidelight sa launching ni Dingdong Dantes as the latest celebrity endorser of Belo Medical Group last Sunday night, August 3, sa NBC Tent ay ang hindi sinasadyang pagkikita nina Ogie at Mo. Ogie is one of the invited press in the affair where Mo was the emcee.

They have an unsettled issue since last year dahil sa controversial radio show ni Mo sa Magic 89.9, na Good Times With Mo, kung saan nasabi ni Mo on air na si Ogie ang "pinakapangit na writer" na nakita niya.

Sa loob ng NBC Tent, ay sinalubong ni Ogie si Mo at tinanong niya nang diretso ang Showbiz Central juror kung bakit nito sinabing siya ang "pinakapangit na writer."

Sagot ni Mo, it was a joke. Ogie answered na hindi naman sila close kaya bakit siya bibiruin ng ganoon.

Mo explained again that it was just a joke on air, so Ogie rebutted why joke something like that on air to a person who is not close to him.

Ang punto ni Ogie, wala raw taong may karapatang sabihing pangit ang kapwa niya, lalo na kung hindi rin kagandahan/kaguwapuhan ang nagsasabi; much more kung hindi sila magkakilala.

Sumagot muli si Mo na bakit siya ay tinawag din ni Ogie na pangit dahil kamukha niya raw si Jograd La Torre, a comedian. Ogie argued that he never said pangit si Mo, sinabi niya lang kamukha niya si Jograd. But Jograd is not a handsome man, buwelta naman daw ni Mo. Pero giit ni Ogie, hindi niya pa rin sinabing pangit si Mo.

Medyo pinangaralan ni Ogie si Mo na napakasagwang sabihan ng pangit nang direkta ang isang tao. Hindi naman daw sigurado si Mo na lahat ng gagawan niya nito, matatanggap na joke lang ang lahat at baka balikan siya nito at sapakin.

Free country naman daw ito, sagot muli ni Mo. So ang hirit ni Ogie sa kanya, hindi na matatandaan ng sasapak sa kanya na free country ito.

Pinaalala ni Ogie na sana hindi nakalimutan ni Mo na minsan na niya itong ipinagtanggol nang inaway niya ang guard sa ABS-CBN dahil hindi pinapasok si Mo who has a show sa Channel 23, ang Break The Bank.

Afterwards, Mo offered his apology to Ogie and it was accepted.

Nangyari ang lahat habang akala mong nag-uusap lang ang dalawa sa side ng table ni Ogie na nadaanan ni Mo on his way to the backstage.



Source: PEP






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: