Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 14, 2008

Mikee Lee nakakaaliw

Mikee Lee nakakaaliw

NAKAKAALIW na katsikahan si Mikee Lee, ang ABS-CBN talent na nakilala noon sa PBB Teen Edition season one at nga­yon ay mainstay ng Lipgloss ng TV5. Aware si Mikee na marami sa entertainment press ang matampuhin, kaya siya raw, sinisigurado niyang matandan ang bawat nakikilala niya sa showbiz (hindi lang entertainment press).

Noon daw kasi sa unang interbyu sa kanya ng entertainment press ay sinabihan na siya na dapat niyang tandaan ang mga nag-iinterbyu sa kanya.

“Sinisigurado ko po na matandaan ‘yung mga nag-iinterbyu sa akin. Saka very nice naman po ‘yung mga nakikilala kong members of the entertainment press.

“Marami po sa entertainment press ang nakatutuwa kapag ka­usap ko,” sabi ni Mikee.
Nakilala ko si Mikee sa launching ng TV5 at nang makita ko uli siya sa presscon ng Lipgloss noong isang gabi ay una siyang bumati sa akin.

Sa interbyu ko kay Mikee, nabanggit niyang walang problema sa Dos ang pagkakasama niya sa Lipgloss ng TV5.

Maayos daw siyang nagpaalam at pinayagan siya.

First year college nga­yon si Mikee sa Ateneo at wala raw problema sa taping ng Lipgloss dahil free day niya ‘yon sa school.

Ang Lipgloss ay magpi-premiere bukas sa TV5.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: