Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Mga nanood muntik makatulog...CONCERT NI SHARON CUNETA, MAS MARAMING DAKDAK KESA KANTA

Mga nanood muntik makatulog...CONCERT NI SHARON CUNETA, MAS MARAMING DAKDAK KESA KANTA


"BITIN!"

Iyan din ang reaksiyon ni Kuya Germs (Moreno) sa idinaos na MegaThirty concert ni Sharon Cuneta last Friday.

Kahit Sharonian din kami, um-agree kami kay Kuya Germs dahil medyo dragging nga ang show. Halos mas marami pang naikuwento si Sharon kumpara sa mga kinanta niya, and yet, sulit na sulit naman ang bawat song na biglang nagpapaalala ng maraming kaganapan some 20 or more years back.

In best element ang boses ni Shawie that night. Ramdam na ramdam ito sa lahat ng inawit niya, partikular 'yung mga may patungkol sa pag-ibig na nabigo, iniwanan, at mga anik-anik na tatak Sharon.

Tuwang-tuwa si Kuya Germs sa naging gesture ng aktres-singer nang pilit silang pinalipat ni Vic del Rosario ng upuan at patabihin kay Senador Kiko at mga anak.

"Appreciated ko 'yun from her at natuwa rin ako na kahit sa spiels man lang ay sinabi niyang sa Germspesyal siya unang natutong maging TV host," tsika ni Kuya Germs.

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: