Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

Melissa Ricks wants no one but Matt Evans as her love-team partner

Melissa Ricks wants no one but Matt Evans as her love-team partnerMelissa Ricks wants no one but Matt Evans as her love-team partner
Obvious na obvious ang pagtatangi ni Melissa Ricks sa kanyang ka-love team na si Matt Evans. Aminado si Melissa na sobrang napalapit na siya kay Matt. Kaya lang, consistent pa rin si Matt sa pagsasabi na ayaw niyang masira ng romance ang kanilang friendship at magandang working relationship.

"Kung sabagay, tama naman," pagsang-ayon ni Melissa kay Matt nung makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa teleserye nila na Iisa Pa Lamang noong Huwebes, August 14, na ginanap sa 14th floor ng ABS-CBN ELJ Building in Quezon City.

"Kasi mahirap 'pag ano...'pag kayo ‘tapos masisira yung relationship ng love team."

Kung nahihirapan si Matt na mahaluan ng relasyon ang trabaho nila, iba naman ang pananaw ni Melissa rito.

"Depende, e, hindi naman siya nanliligaw."

Kapag nanligaw ba sa kanya si Matt papasa ba ang kanyang love-team partner sa kanya?

"Oo, dahil sobra na akong ano...mabait naman kasi si Matt. Malambing, ganyan. Pero hindi pa naman ako nangangako. Pero depende naman kung anong ipapakita niya."

Ano bang dapat ipakita ni Matt sa kanya?

"Siyempre kailangang magpakita siya ng maganda. Hindi niya ako inaaway."

Paano kung wala talagang plano si Matt na mas palalimin pa ang relasyon nila?

"Siya... Kung hindi, okey lang. At least, araw-araw naman kaming magkasama ni Matt, e. Enjoy ko naman ang presence niya. Sanay lang kasi ako na lagi siyang kasama. 'Pag hindi ko siya kasama paranag nakakalungkot din, e."



SHE WANTED MATT TO BE HER FIRST. Noong huling interbyu ng PEP kay Melissa, nasabi niya na mas gusto niya talaga na ang first screen kiss niya will be with Matt. Bakit si Matt?

"Kasi si Matt, alam ko na hindi niya ako babastusin, e. Alam ko hindi siya magti-take advantage, ganyan. Mas siya pa yung kinakabahan kasi baka raw magalit ang mommy ko, ang daddy ko. Pero hindi, okey lang ‘yan sabi ko sa kanya. Pumayag na sila."

Nag-sorry nga raw si Matt pagkatapos kunan ang kissing scene nila para sa Iisa Pa Lamang.

"Oo, sabi ko nga sa kanya, ‘Bakit ka nagso-sorry?' Tumatawa lang ako after. ‘Tapos siya medyo serious siya."

OK WITH PARENTS. Anong reaksyon ng parents niya pagkatapos kunan ang kissing scene nila ni Matt?

"Sabi nila anong klaseng kissing scene? Sabi ko, ano lang, smack lang. Medyo matagal lang ng konti, ‘tapos wala na. No reaction na. Kasi kilala naman nila si Matt. Kung hindi si Matt, hindi talaga sila papayag. Kahit ako, hindi rin ako papayag. Kasi para namang pinasa-pasa... Ayoko naman ng ganun."

Bakit gusto ng parents niya si Matt?

"Hindi ko alam. Siguro kasi natutuwa sila kay Matt, yung character niya sa Pedro Penduko. ‘Tapos na-meet din nila. Natuwa sila kay Matt. ‘Tapos ang daming punchline pa ni Matt sa kanila, lalo na ang daddy ko. Kasi kapag nag-i-English si Matt, natatawa siya."

Totoo ba na may picture sa laptop ng daddy niya na magkasama si Mr. Ricks at si Matt?

"Cell phone po. Ako yung screen saver niya, ‘tapos 'pag medyo matagal siya, lumalabas yung picture nilang dalawa [daddy ni Melissa at si Matt]. Ako ang wallpaper, yung picture nila ni Matt ang screensaver, ‘ayun."

Anong reaksyon niya sa sinabi ni Matt na masarap daw ang feeling nang hinalikan niya si Melissa?

"Oh, talaga? Dapat nag-take two siya. Ha-ha-ha!

"Actually, second na namin yun ni Matt. Yung sa Your Song yung first."

Alin ang mas masarap?

"Yung second, kasi yung first medyo awkward pa. Kasi hindi namin alam kung ano ang gagawin namin. Ito parang...okey, sige bahala na. ‘Pag take, okey naman. Good take siya."

HUGS AND KISSES. Pag-uwi ba niya ng bahay after ng kissing scene nila ni Matt hindi siya nakatulog?

"Hindi naman. Mas gusto ko yung hug kesa sa kiss"

Mas hindi siya nakakatulog kapag hina-hug siya ni Matt?

"Oo, ewan ko kung bakit?

"Siguro 'pag ako lang mag-isa at walang nangungulit sa akin, hinahanap ko siya. Kasi palagi niya akong tinutukso, sinusundot, hinahatak yung buhok ko, ganyan. Parang kasama na siya sa lahat ng ginagawa ko. Like, 'Melissa, may rehearsal bukas.' ‘Tapos sasabihin ko, 'Kasama si Matt?' ganun. Parang sanay na ako na nadiyan siya. Dalawang taon na kasi, e.

"Sana nga kami na ang magka-love team, hindi na magbabago. Kasi mahirap kapag pinalitan, kasi simula na naman sa start. Magkakahiyaan na naman. Yung sa amin ni Matt, stable na, konting ano na lang, push."

Magseselos ba siya kapag may ibang babaeng na-link kay Matt?

"Oo," pag-amin ni Melissa. "Siyempre, kasi ako yung araw-araw na kasama ‘tapos kakakilala lang niya doon sa babae, sila na, ‘di ba?"

Yun na!









JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

3 comments:

Anonymous said...

AHH! first screen kiss

Anonymous said...

love them both specially Melissa she definitely has talent in hosting why not put her in wowowee to replace lara

Anonymous said...

i like Matt more in Pendro Penduko

dont find him matinee idol material