Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Mega, handa ka na ba? GABBY CONCEPCION, MAKIKIPAGTUOS NA KAY SHARON CUNETA


Mega, handa ka na ba? GABBY CONCEPCION, MAKIKIPAGTUOS NA KAY SHARON CUNETA
























MABILIS na natapos ni Gabby Concepcion ang kanyang self-titled album under Warner Music Philippines. Nagkaroon na ng presscon/launch last Tuesday at masayang-masaya ang aktor na isa na rin siyang singer ngayon.

Aniya, sadyang marami raw nangyayari ngayon sa buhay niya na hindi niya inakalang mangyayari. Noong umuwi raw siya sa Pilipinas, ang main purpose niya ay para bisitahin ang kanyang ama at ang alam lang niya ay gagawa siya ng pelikula.

Pero hindi niya raw inakalang gagawa rin siya ng TV project, mga endorsements at ito ngang album. Kaya naman, nagpapasalamat daw siya sa aniya ay mga bonus na dumarating sa kanya.

Ang album ay naglalaman ng 12 tracks at kasama rito ang awiting Come What May na naging malaking bahagi ng kanyang career noong nagsisimula pa lang sila ni Sharon Cuneta sa showbiz.

Kaso, ang ka-duet niya sa nasabing awitin ay si Nina, isa ring Warner Talent. May nagtatanong kung bakit wala man lang siyang duet with daughter KC Concepcion at sabi ni Gabby, wala raw talaga silang kinuhang big star sa album dahil baka masabihan na naman siyang nanggagamit.

Kahit ayaw nang pag-usapan ni Gabby ang kanyang ex-wife na si Shawie, siyempre ay may mga nagtatanong pa rin. Like he was asked kung ano ang masasabi niya na hindi pa pala ready si Megastar na makaharap siya hanggang ngayon.

"Ganu'n ba? Hindi ko alam, e. Well, plano ko siyang kausapin one of these days. Mag-uusap din kami," ang nasambit ng aktor.

Kung kelan, 'yun ang hindi na namin naitanong pa kaya abangan nalang natin.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: