Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

May-edad nang aktres, 'di raw feel ng madir ng BF...POLO RAVALES AT JEAN GARCIA HIWALAY NA!

May-edad nang aktres, 'di raw feel ng madir ng BF...POLO RAVALES AT JEAN GARCIA HIWALAY NA!


TAPOS na raw ang relasyong Jean Garcia-Polo Ravales, ayon sa ilang showbiz observers. Noon pa raw last presscon ng pelikulang Loving You ay marami na ang nakapansin na movie press na medyo malamig na ang trato ni Jean kay Polo.

At last Sunday, sa red carpet premiere ng kanilang movie sa SM Megamall ay mas naging obvious na ang hindi pagpapansinan ng dalawa at 'di na sweet sa isa't isa.

Usap-usapang tutol daw ang mommy ni Polo at dawit din ang tsismis na live-in issue ng dalawa.

Pero after the premiere night, may nakakita naman kay Polo na hinihintay nito sa parking area ng SM Megamall si Jean. Kasama ni Polo ang pamilya niya at mukha naman daw tanggap ng mga ito ang karelasyon ng aktor.

Anu't anuman ang totoong estado ng dalawa, tiyak na hindi naman ito makakaapekto sa pelikulang Loving You kung saan true-to-life ang kanilang role.

Tampok din sa movie ang love team nina Yasmien Kurdi at JC de Vera, Kris Bernal at Aljur Abrenica. Idagdag pa ang hatak nina Ehra, John Prats, Sweet Lapus at Sheena Halili.

Showing na simula ngayong Miyerkules ang Loving You.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: