Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Mas oks pang pumatol sa bading...JOHN LLOYD CRUZ, 'DI KAYA ANG GINAWA NINA DINGDONG DANTES AT JAKE CUENCA

Mas oks pang pumatol sa bading...JOHN LLOYD CRUZ, 'DI KAYA ANG GINAWA NINA DINGDONG DANTES AT JAKE CUENCA


KUNG hindi mababago ang script ng pelikulang pagsasamahan ni John Lloyd Cruz at ng Star for All Seasons na si Vilma Santos, tiyak na magiging challenge sa aktor ang kanyang role kung saan may makakarelasyon siyang isang gay o closet queen.

Daring ito para kay Lloydie lalo na kung may kissing at intimate scenes siya sa aktor na gaganap na gay sa pelikula.

Pero ayon na rin kay JLC, mas magagawa niyang tanggapin ang nasabing role sa pelikula kesa mag-pictorial nang sexy na ang suot lang ay underwear at idi-display pa sa naglalakihang billboards.

No offense meant daw sa mga aktor na modelo ng men's underwear tulad nina Dingdong Dantes at Jake Cuenca. May "K" naman daw ang mga ito dahil may katawang ipakikita. But for John Lloyd, talagang hindi niya kaya kung sexy pictorial ang ipagagawa sa kanya.

Puwede siyang magsuot ng trunks sa movie especially kung beach scene ang kukunan. Pero para sa endorsement ng men's underwear, big "NO" kay JLC.

After all, hindi naman daw siya nakikipagkompetisyon para sa sexiest men in local showbiz. Dramatic actor ang image niya at happy siya ang grateful na kumikita ang kanyang mga pelikula kahit na sino ang ipareha sa kanya.

Laking-gulat nga ni Lloydie nang mag-klik ang team-up nila ni Sarah Geronimo at kumita sa takilya ang movie nilang A Very Special Love kahit na wala silang kissing scenes.

Ngayon, balik-tambalan naman sila ni Bea Alonzo sa I Love Betty La Fea na all-star cast at hango sa Columbia version ng orig na Betty La Fea mula sa direksiyon ni Don Cuaresma.

Hindi rin matatawaran ang lakas ng hatak sa mga viewers ng tambalang Bea-John Lloyd. May pruweba na sila, sa totoo lang.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: