Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Marvin at Diana, hindi maitago ang relasyon!

Marvin at Diana, hindi maitago ang relasyon!
Written by Eddie Littlefield

Diane Zubiri

KAHIT SINASABI NI Diana Zubiri na friends lang talaga sila ni Marvin Agustin, hindi pa rin mamatay-matay ang isyu tungkol sa kanilang dalawa. Madalas kasing napagkikita ang sexy star sa pad ng binatang ama at kung minsan nga, inaabot pa ito nang madaling araw. Ganoon din naman ang aktor, madalas ding bumisita sa dalaga at kadalasan silang magkasama sa mga gimikan. Palagi nga niyang sinasabi, “Ayaw ko na talaga – nadala na ako! Ayaw ko na sa lalaking may anak, tama na siguro minsang nagkamali ako, at ayaw ko nang maulit pa! Gusto ko kung magkaka-boyfriend uli ako at magkakaasawa, ‘yung walang sabit at ako lang ang babae sa buhay niya.”


Parang bangungot kay Diana ang pakikipagrelasyon niya kay Vhong Navarro na hanggang ngayon, isang masamang panaginip na hindi niya malimutan. Tapos na ang kabanatang ‘yun sa buhay niya. Kaya lamang parang tukso kay Diana ang pagiging malapit nila ni Marvin – binatang ama na special friendship na ang ibinibigay sa kanya. Nand’yang ipagluto siya ng aktor kung maluwag rin lang ang taping schedule nito. Puwede naman sigurong gusto nila ang isa’t isa pero walang commitment. Huwag nga lamang lalagyan ng emotion dahil ibang usapan na ‘yan ‘pag puso na ang nag-react! ‘Yan ang basa namin sa kanilang mutual relationship sa ngayon.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: