Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 14, 2008

Marriage must come first before baby, says Paolo Contis

Marriage must come first before baby, says Paolo Contis















WALANG conflict sa GMA-7 kahit may show rin si Paolo Contis sa TV5. Siya ang host ng "Midnight DJ" along with Desiree del Valle and Jenny Miller na napapanood every Monday at 7 p.m.

Binigyan si Paolo ng GMA ng bagong programa at siya ang host ng "World Records" sa ilalim ng "Bilib Ka Ba Nights" na mapapanood every Tuesday starting Aug. 19 after "Dalja's Spring."

Ayon kay Paolo nang nakausap ng Tempo sa presscon ng "Bilib Ka Ba Nights," tatapusin na lang niya ang mga natitira niyang episodes sa "Midnight DJ" at magiging exclusive Kapuso talent na siya. Soon ay pipirma na siya ng exclusive contract sa GMA-7. "Wala namang problema sa TV5 dahil maayos akong nagpaalam sa kanila. Ayoko kasi 'yung magkaroon kami ng samaan ng loob. Naintindihan naman ng management ang desisyon ko kaya walang bad blood between us. Aalis akong magaan ang puso't pakiramdam na wala akong nasaktan," wika ni Paolo.

Bukod sa "World Records," isinama rin siya ng GMA sa "Codename: Asero" at lalabas na ang character niya next week. Gagawa rin siya ng dalawang pelikula, "Civil Status" with Rufa Mae Quinto at "One Night Only" with Katrina Halili.

Nakapag-sexy pictorial na rin si Paolo para sa "Cosmopolitan" magazine and by next month ito ilalabas. Ayaw sabihin ng aktor kung gaano ka-sexy ang ginawa niyang pictorial na aniya, "Talagang pinaghandaan ko 'yon. Nag-gym ako araw-araw at nag-diet."

About his lovelife, sila pa rin ni Isabel Oli. They've been together for almost three years pero wala pa silang planong magpakasal. Isabel is 23 years old at nasa early 20s naman si Paolo. Aniya, gusto niyang mag-asawa kapag 28 or 32 years old na siya. Nagpapagawa pa siya ng bahay and hopefully, matatapos 'yon next year.

Asked kung posible kayang mauna muna silang magka-baby ni Isabel bago ang kasal, "Ah! 'yun ang ayoko."

Gusto ko, kasal muna bago anak.

Rowena Agilada








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: