Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

Mark Herras -- Soon To Be A KAPAMILYA??!


Mark Herras -- Soon To Be A KAPAMILYA??!


Adorable & Playful Mark Herras

Mukhang isang star na naman nang GMA Network ang nangangamoy na lumipat sa ABS-CBN ngayong mga darating na araw. Narinig namin na matatapos na ang kontrata nitong si Mark Herras, sa Artist Center at sa GMA Network. Meron din siyang offer sa ABS-CBN na gumawa nang teleserye, at mapasama sa number 1 music variety show, tuwing linggo, sa NUTAM man o Mega Manila ratings, ang ASAP. Isang character din ni Mars Ravelo sa KOMIKS ang kasama sa mga inaalok sa kanya, pati one month series nang Your Song ay kasama din, kapareha si Cristine Reyes at isang dance album, mula sa Star Records. Pati mapasama sa horror film nina Shaina Magdayao at Jake Cuenca, ay kasama din, under Star Cinema.

Nagiisip di umano si Mark, maging ang manager nitong si Lolit Solis kung tatangapin ang alok nang ABS-CBN sa kanyang alaga. Ipapaalam muna daw muna, ito ni Lolit sa mga opisyales nang GMA Network. At kung meron silang itatapat sa offer nang ABS-CBN, ay baka manatili ito bilang kapuso. Pero kung hindi ito matapatan, baka ang kaunaunahang ultimate male survivor nang Starstruck ay maging ganap na kapamilya star in a few weeks or months.

Kung iisipin, kung sakaling tanggapin ito ni Mark, hindi siya masisi nang mga tao. Kasi mukhang mejo napabayaan na siya nang kanyang home network. Una dahil, hindi na siya gaano visible, unlike JC DE VERA at Marky Cielo na talagang nagbibida na sa mga soap operas nang GMA Network, gayong nauna siyang sumikat at nagkapangalan sa mga iyon. Kaya hindi na dapat tayo magulat, kung ganun na nga ang mangyari.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

well, if ever man na maging kapamilya na c mark, magiging kawawa ang 7...hehe..kahit saan pupunta c mark dun ako idol..