Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Mark Herras na patuloy pa rin ang suporta kay Jennylyn Mercado


Mark Herras na patuloy pa rin ang suporta kay Jennylyn Mercado

Jennylyn Mercado: The Heart Of An Angel

HINDI PINAGMAMAINGAY NI Mark Herras na patuloy pa rin ang suporta na ibinibigay niya kay Jennylyn Mercado. Ayaw niyang mabigyang-kulay ang pagtulong niya sa dalagang ina na naging bahagi rin naman ng kanyang buhay in the past. “Wala akong nakikitang masama sa pagtulong ko kay Jenny, kung mag-isip sila ng masama sa ginagawa ko – problema na nila ‘yun! Sana’y na rin naman ako sa intriga basta ang importante malinis ang intensiyon mong makatulong,” mabilis na wika ni Mark.


Bakit nga ba palaging naiintriga ang binata? “Hindi na nga ako nawalan ng intriga – hindi ko na lang pinapansin dahil hindi naman totoo! ‘Pag below the belt, saka lamang ako sumasagot pero kung wala namang katuturan – deadma na lang ako,” paliwanag niya.


Sino naman itong girl na sinasabing may relasyon daw kayo? “Ito nga ang latest na intriga sa akin na girlfriend ko raw siya. Kung sinu-sino ang tini-txt, bakit ayaw niyang lumantad at magpakilala – magpa-interview? Para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo! This time hindi ko na pinalagpas dahil reputasyon ko ang nakasalalay rito. Kung girlfriend ko siyang talaga, aaminin ko – bakit ko naman ipagkakaila kung totoo, ‘di ba?” galit na pahayag ni Mark.
Sabi tuloy ni Nanay Lolit Solis, “Kasi naman kung kani-kanino mo yata ibinibigay ang cell number mo at kung sinu-sino ang pinapatulog mo sa bahay kaya tuloy ‘yan ang nangyari sa iyo. Dalawa dapat ang cell mo – isa para sa fans, ‘yung isa personal mo.”






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: