Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 17, 2008

Mark Herras denies rumored "kolehiyala girlfriend"


Mark Herras denies rumored "kolehiyala girlfriend"
Mark Herras denies rumored "kolehiyala girlfriend"
Kung may ilang beses na rin nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng mga pictures ni Mark Herras kasama ang iisang babae na pinangalanan ng concern friend ng girl as Valerie Pornea raw na siyang itinatagong non-showbiz girlfriend ni Mark Herras. Isang kolehiyala raw ito na nag-aaral sa University of Sto. Tomas. Ang mga naturang larawan ay nakalabas na rin sa ilang tabloids.

Nakuhanan ng pahayag ng Showbiz Central si Mark at gayundin ang sinasabing si Valerie sa pamamagitan naman ng text message.

Ayon sa kumalat na e-mails, madalas nga raw kasama ni Mark ang naturang babae sa mga tapings niya, gayundin sa kanyang bahay at sa kanyang sasakyan. Nakausap nga ng Showbiz Central ang babae pero tumanggi itong magpa-interview, but instead, nagpadala na lamang ng mga text messages.

Ayon sa text ng nagngangalang Valerie nga raw, "What for? Ide-deny rin naman ni Mark. Kayo na lang po ang bahala. If sa tingin n'yo kailangan, okey lang po."

Nakausap din nga ng SC si Mark kaugnay sa isyu.

Aniya, "Hindi totoo ‘yan...marami lang ang nagpapalaki. Si Val, linawin ko lang...isa sa mga fan ko. Actually, hindi na nga lang din fan ang turing ko sa kanya, na ngayon ay inaaway ng mga tao na ayaw du'n sa love team namin ni Rhian [Ramos]. Basta ako ngayon, ang masasabi ko lang, single ako. Wala akong girlfriend"

Ang naging pahayag naman ni Valerie sa sinabi ni Mark ay, "Sinabi po ba talaga ni Mark na fan niya lang ako? If yun po ang sabi niya...sige, fan lang po ako. Pero may fan po ba na isinasakay niya sa van niya? Pinapatulog sa bahay nila kung gabi na matapos ang taping? If gusto niya pumunta ako ng taping, hindi ako pumapasok sa school kasi, ang gusto niya, dun lang ako. ‘Tapos ngayon, fan niya lang ako?"

Sabi pa rin ni Valerie through text message, "Gusto niya gawin na lang din niya sa akin ang ginawa niya kay Lian [Paz]. Hindi ba unfair yun, kuya? Masakit din sa akin ‘to. Gusto ni Mark tumahimik ako. Tatahimik naman po ako. Pero sana tumahimik siya at hindi niya ipagkakalat na fan ako.

"Ano pa kayang mukha ang ihaharap ko sa mga classmates ko? Dapat nakinig ako sa mga friends ko dati pa."

Pero ayon kay Mark, "Alam ko ang totoo at alam din ng mga kasama ko ang totoo, kaya hindi ko na dapat patulan ang mga ganyan."

Sa huli, nagbigay na lang ng mensahe si Mark para sa mga taong nagpakalat ng aniya'y maling balitang ito.

"Sana huwag silang mangdamay ng ibang tao. Nananahimik yung bata, nag-aaral. ‘Tapos, like kapag sumasasama sa amin at gustong manood ng taping or SOP, sinasama namin. Alam ko marami pang lalabas na ganyang isyu, pero, sana , huwag silang mandamay ng ibang tao."



Source: PEP








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: