Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 5, 2008

Mark Bautista joins the cast of GMA Films' "Sundo"


Mark Bautista joins the cast of GMA Films' "Sundo"

FIRST READ ON PEP: Mark Bautista joins the cast of GMA Films' "Sundo"
Sa Monday, August 11, ang pictorial ng first horror movie ni Robin Padilla, GMA Films' Sundo, from the same creative team that brought Ouija—writer Aloy Adlawan and director Toppel Lee. Makakasama ni Robin sa movie sina Sunshine Dizon, Rhian Ramos, and Katrina Halili in a special role.

Naghahanap ang GMA Films ng puwedeng bagong itambal for Rhian dahil pagpapahingahin muna ang Mark Herras-Rhian team-up after I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) also from GMA Films na ipalalabas on September 17. Sa TV naman muna susubukan ang tambalang JC de Vera-Rhian sa La Lola, although nagkasama na ang dalawa sa My Monster Mom pero hindi sila magkatambal.

Isang Star Magic matinee idol ang in-offer-an ng role na partner ni Rhian. The talent arm of ABS-CBN accepted the offer dahil co-produced naman ng Viva Films ang Sundo. Kaso, nang binigay na ang schedule of shooting, same schedule pala ito ng show na ginagawa ng matinee idol for ABS-CBN ngayon kung kaya't kailangan siyang mag-beg off.

Viva Films offered their male talent Mark Bautista. Libre ngayon si Mark dahil ASAP ‘08 lang ang pinagkakaabalahan ng singer-actor. Around September pa naman sisimulan ang shooting ng Baler ng Viva Films, kung saan kasali rin si Mark.

Pagkatapos magkaayos ng schedule, tinanggap ni Mark ang pelikula sa film arm ng GMA-7, na competition ng kanyang kinaaanibang network.

Nakilala si Mark at ang eventual champion ng Star For A Night noong 2003 na si Sarah Geronimo sa IBC-13. Unlike Sarah though na nakagawa ng ilang shows sa GMA-7, like Click, bago sila inilipat ng Viva sa ABS-CBN after a dispute between the Kapuso network and Viva—which is now settled—Mark's popularity really started in ABS-CBN.

This month ang simula ng shooting ng Sundo with a possible playdate end of October.



Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: