Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Manager ng aktor, kumanta na...RYAN AGONCILLO, LUMAYAS NG 'PINAS DAHIL KAY JUDY ANN SANTOS

Manager ng aktor, kumanta na...RYAN AGONCILLO, LUMAYAS NG 'PINAS DAHIL KAY JUDY ANN SANTOS












AYON sa manager ni Ryan Agoncillo na si Noel Ferrer, todo-kayod ngayon ang TV host-actor dahil may pinag-iipunan.

Nasa Argentina ngayon ang Papa Ryan ni Judy Ann Santos at one month ito roon para sa bago niyang reality show sa Dos, ang Pinoy Fear Factor.

Pabiro, pero totoo ang pahayag ng manager ni Ryan na work to death talaga ang aktor-TV host para sa panagarap nitong 'pangkabuhayan showcase".

Meaning, nagpupundar na si Ryan para sa dream house nila ni Juday. Kaya kahit mahirap malayo sa kanyang labs, nagtitiis at kinakaya na lang ni Ryan alang-alang sa magandang future nila ng kanyang soon-to-be-wife.

Bago pumunta sa Argentina si Agoncillo, nakapag-taping ito sa bago niyang show sa TV5, ang Talentadong Pinoy.

So far, maayos at hindi raw nag-o-overlap ang schedule ng trabaho ni Ryan. Pareho lang sila ngayon ni Juday na todo-kayod para sa isa-isang maabot ang kanilang mga plano at pangarap sa buhay.

Sabay nilang pinaghahandaan ang mga bagay na dapat ayusin bago tuluyang mag-settle-down.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: