Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 18, 2008

Mamatay ka sa inggit, Joey de Leon, P240 MILYON, BAYAD NG DOS KAY WILLIE REVILLAME SA ISANG TAON!


Mamatay ka sa inggit, Joey de Leon, P240 MILYON, BAYAD NG DOS KAY WILLIE REVILLAME SA ISANG TAON!



MARAMING nagulantang sa laki ng halaga ng binabayarang quarterly tax (inuulit po namin, pangatlong buwan lang ito) ni Willie Revillame sa opisina ng Bureau of Internal Revenue nu'ng Biyernes ng umaga.

Ang eksaktong halagang binayaran ni Willie- P6,278,644.21. Ang halagang ito ay sampung porsiyento ng kinita niya sa loob lamang nang tatlong buwan, kaya ang kinita niya sa loob lang nang maigsing panahong 'yun ay mahigit sa animnapung milyong piso.

Pag-amin ni Willie, "Malapit na nga akong bumagsak nu'ng malaman ko kung magkano ang babayaran kong quarterly tax. Pero ang katwiran ko naman, kung blessed ako, bakit mo lolokohin ang bayan?"

Kung palaging ganu'n kalaki ang babayarang quarterly tax ni Willie hanggang sa katapusan ng 2008, ibig sabihi'y kikita siya nang mahigit sa P240 M para sa taong ito lang, napakayaman na pala talaga ng host ng Wowowee.

Ang pinanggagalingan ng buwis niyang mahigit sa anim na milyong piso ay ang kanyang kinikita sa ABS-CBN bilang host ng Wowowee (hindi na namin babanggitn pa kung magkano ang talent fee niya sa isang araw, pero ligtas kami kung sasabihin naming siya ang highest paid talent ngayon ng network), ang kanyang mga pag-eendorso ng iba't ibang produktoo at ang kinikita niya sa pagso-show sa iba't ibang bansa.

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar









JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: