Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

Luis Manzano still unsure about accepting gay role

Luis Manzano still unsure about accepting gay role

Luis Manzano still unsure about accepting gay role
Nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Luis Manzano, right after ma-interview nang one-on-one ni Luis ang ina niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto for his show Entertainment Live!.

Present din nga si Luis sa presscon ng kanyang ina as endorser of Bear Brand's "Laki Sa Gatas" Nutrition Education Campaign. Pero this time, as member of media ang dating ni Luis na matiyaga pang naghintay sa ina niya na tapusin ang presscon proper just to interview her.

Agad kinumusta ng PEP kay Luis ang tungkol sa offer ng Star Cinema Productions sa kanya na gumanap bilang gay lover ni John Lloyd Cruz sa first movie na pagsasamahan nila ng Star For All Seasons.

"It's still under talks, pero nandun yung offer, nandun yung meeting. Pero we're still thinking about it," sagot agad ni Luis.

If ever, this is the first time na gaganap bilang gay sa pelikula si Luis.

"Besides gabi-gabi," biro ni Luis. "Hindi...uh, yes. Ang sabi ko naman talaga, isa sa mga dream role ko—dalawa actually—yung mentally handicapped or mentally challenged or isang conflict gay role. Pero ito, dumating na ito [gay role], so, I still have to consider talaga."

Ano ang chance na tatanggapin niya ang offer?

"I honestly have no idea."

Sa pagkakaalam ng PEP, one week lang ang ibinigay na panahon ni Luis sa Star Cinema para makapag-isip kung tatanggapin ba niya o hindi ang offer.

"Actually, magtu-two weeks na."

Kailan niya ibibigay ang desisyon niya?

"You know, may partly decision na ako. Pero I still have to reconsider or...ano siguro, ask for a sign."

Anong sign kaya ito?

"Kapag may nahulog na airplane... Parang ang sama naman na sign na ganun," bawi ni Luis.

Nag-aalala ba siya na baka magkaroon ng bed scene or kissing scene?

"Ako ang nagre-request ng bed scene," biro ulit ni Luis.

"Hindi yun, definitely. Hindi ko pa kaya."

Ang kissing scene?

"Ah, hindi rin."

So, anong klaseng gay role ang gagawin niya sa movie?

"Yung complex gay. I don't think naman for you to be gay you need to show na... that you have to kiss the guy."

MOM AND DAD'S SAY. Aware ba si Governor Vi na may offer sa kanya na gumanap na gay lover ni John Lloyd sa movie nila?

"Okey lang for her. She thinks na it's a good role and an acting piece. Pero sana lang kasi mabasa ko muna yung script. Kasi hindi ko pa nababasa yung script. Pero they talk to me about it na. And I'm considering. Pero it's different kahit paano kapag may nabasa na akong script. But I understand na ginagawa pa, pinapaganda pa."

Ano ang reaction ng daddy niya na si Edu Manzano about the offer?

"Hindi ko pa siya nakakausap about it."

Sa tingin niya kaya magre-react ang dad niya kapag gumanap siya na gay sa movie?

"You know, if I did a gay role na mga tipong P400 lang ang budget, siguro magre-react siya. But of course, being under Star Cinema, kasama ko, mommy ko, si John Lloyd, at directed by ni Olive Lamasan—si Inang—I think you know, that will be a dream role."

Wala na siyang ibang kinu-consider para tanggapin ang alok?

"Ah, personal na lang. It's a personal choice naman, di ba? There are decisions in life na you're waiting for a sign or a trigger. There are decisions na you can say yes in less than a second and there are some na you wait for that click inside of you."

ANGEL'S SAY. Ano naman ang sabi sa kanya ni Angel about the offer?

"She thinks it's a good project."

What about a movie with Angel?

"Wow! I would have to say, dahil kami nga ni Angel as much as possible, uh...depende sa script. Kami ni Angel kasi we don't want to work together. Kasi in the sense na mas mapapakialaman [ang personal relationship nila] na kumbaga, mas pupunta ka pa sa spotlight. E, you're asking for trouble, e.

"Out of the pan and into the fire ang dating mo noon, e. Tutal siguro if it's episodic, sabihin mo yung mga MMK [Maalaala Mo Kaya], yung mga one time na like that. Try lang, okey lang. Pero siguro something as big as a movie or a teleserye? Medyo, ah...depende rin sa script. Ayoko namang sabihin na hindi. Pero it depends on the script," tapos ni Luis.


Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: