Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Luis Manzano, natuwa sa pagta-topless ni Anne

Luis Manzano, natuwa sa pagta-topless ni Anne


NAG-TOPLESS si Anne Curtis bilang centaur (Dyosa Tierra, dyosa ng lupa) at sirena (Dyosa Agua, dyosa ng tubig) sa fantaseryeng Dyosa na magsisimula sa Lunes (Agosto 11) nang gabi sa ABS-CBN.

Sabi-sabi’y nagalit si Sam Milby nang makita si Anne na nakahubad ng pang-itaas sa karakter nito na centaur.

“Walang ano (takip)… parang wala! Flesh tone talaga!” bulalas ni Sam (isa sa tatlong leading men ni Anne) sa presscon ng Dyosa kahapon sa Ocean Park.

Sabi ni Luis Manzano (na leading man din ni Anne), “Si Sam, na­galit. Ako, natuwa!”
Pahayag ni Anne, “Na-explain naman kay Sam na kailangan ‘yon, kasama sa work. At naintindihan niya. Kasi, artist din siya.

“Initial reaction lang niya ‘yon. Kasi, from afar, mukhang wala talagang takip… eh tumatakbu-takbo ako…”

Kinumpirma ng direktor ng Dyosa na si Wenn Deramas na sa pagiging sirena ni Anne ay may breast exposure din ito.

“Ang sirena, walang bra. Pangit kung ‘yung buhok, nakaplaster (sa dibdib),” sambit ni Direk Wenn.
“Inaangguluhan na lang para hindi masyadong laging nakalabas.

“Kung ang mga lalaki, masisiyahan sa pagta-topless ni Anne, ang mga bakla at babae naman ang matutuwa sa costume ni (Luis) Manzano bilang syokoy…”

“I swear!” napangiting bulalas ni Luis. “Pinagsuot ako ng nipple tape para may takip ang nipple ko, pero hindi ako pinagsuot sa baba.

“Let it hang na lang daw… para may pagkain ang mga isda,” sabi pa ni Luis.
Si Sam, ang ganda-ganda ng katawan. Hindi ba siya nainggit na hindi siya pinaghubad?
“Naghubad din ako!” nakangiting sambit ni Sam.

Kuwento ni Direk Wenn, “Si Sam saka si Nikki Bacolod, sa Terminator scene nila, hubo’t hubad. Pagbagsak nila sa Earth, hubo’t hubad sila.

“Nagkainggitan nga sila. Porke naghubad sina Anne at Manzano, naghubad na rin sila. Ambabait talaga nila!” sabi pa ni Direk Wenn.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: