Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

Kulelat na nga, brusko at antipatiko pa..."MAY KARAPATAN PA RIN KAMING HINDI MAGPAINTERBYU KUNG HINDI NAMIN GUSTO!"-DENNIS TRILLO

Kulelat na nga, brusko at antipatiko pa..."MAY KARAPATAN PA RIN KAMING HINDI MAGPAINTERBYU KUNG HINDI NAMIN GUSTO!"-DENNIS TRILLO


HABANG tumatagal, lalo yatang nagiging antipatiko sa press si Dennis Trillo.

Sabi ng kontrobersiyal na aktor kamakailan, "Kahit na sabihin nilang public property kaming mga artista, may karapatan pa rin kaming hindi magpainterbyu kung hindi namin gusto!"

Reaksiyon ito ni Dennis sa ABS-CBN crew na naispatan sila ni Cristine Reyes kamakailan nang manood sila ng wrestling match sa Makati.

Siyempre, interesado ang crew kung bakit magkasama sila ni Cristine gayung sinasabi naman niyang hindi na sila nagkikita.

Nagsa-suffer ang career ni Dennis ngayon dahil sa kanyang pagdi-deny. Binago ng GMA-7 ang kanyang image dahil na rin sa problema niya sa kanyang pribadong buhay gaya nga ng mga babaeng pinag-aagawan siya.

Brusko image na ngayon si Dennis, gaya ng ginawa sa kanya sa Magdusa Ka.

"Bumagay naman daw sa akin ang bago kong image," sabi niya.

Ewan kung bumagay nga sa kanya dahil napag-iwanan na siya ngayon nina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez sa mismong home studio niya.

Pero sabi naman ng aktor, sa tingin lang 'yun ng ibang tao. Inaalagaan naman daw siya ng Siyete. Katunayan, may bago siyang teleseryeng gagawin, ang Gagambino.

Halaw sa panulat ni Arthur Quinto sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: