Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Kristine Hermosa, may sexy pictorial sa ex-bf?!

Kristine Hermosa, may sexy pictorial sa ex-bf?!
Written by Tita Swarding

Kristine Hermosa

ANO NAMAN ITONG tsismis na nagkaroon daw ng sexy pictorial ang dating nakarelasyon ni Diether Ocampo na si Kristine Hermosa? Huh! Ang nakakaloka, mismong si Diether ang kumuha sa mga larawan ni Kristine, para raw ito sa magazine ni Diether na siya mismo ang may-ari.


Kaya hindi maiwasan ang mga katanungan ng lahat kung ito ba ay gimik lang ni Kristine? Huh! At bakit kailangan na si Diether pa ang kumuha sa mga larawan niya na ubod raw umano ng kaseksihan? Ang isa pang tanong, bakit dun pa siya magpo-pose ng sexy sa mismong magazine ng ex-boyfriend? Huh! ‘Di ba, nakakaloka!


Ayon pa sa chika ng aking Parazzi Girl, very excited raw itong si Kristine para raw sa gagawin na poject with Jericho Rosales. Kung anu-ano na nga raw press release ang ipinamimigay nito, huh! Ngunit ang alam ko eh, marami pang naka-line-up na project kay Jericho, gaya nga nu’ng proyekto sa Malaysia na katambal ang isang Malaysian actress. Naku, maghintay si Kristine, ‘no?!


According sa aking Parazzi Girl, desperada na raw ba itong si Kristine sa kanyang career, kaya nagpakuha raw ng mga seksing larawan? Dahil sa totoo nga raw, hindi na ito pinag-uusapan, huh! Naku, ano kaya ang masasabi ng anak ni Bossing Vic na si Oyo Boy Sotto, huh?! ‘Yun na!








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: