Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Krista Ranillo will not do other sexy magazine pictorials after "FHM"

Krista Ranillo will not do other sexy magazine pictorials after "FHM"

Krista Ranillo will not do other sexy magazine pictorials after "FHM"
In TV5's Hush Hush, Krista Ranillo plays Kate, a product of a reality show na dahil walang nangyari sa kanyang career sa isang network ay lumipat sa Spotlight Agency and is having an affair with a married talk show host, Gabby (Dominic Ochoa). Hush Hush is about young celebrities who are experiencing the highs and lows of the entertainment business.

"Ito po ang first soap ko ever," sabi ni Krista sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Hush Hush sa Mario's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City kahapon, August 19.

Kuwento niya, "Happy po ako nang tawagan ako ng production para mag-audition. Thirty minutes ‘yon na test of my ratio bilang isang artista. Medyo kinabahan po ako kasi hindi ako prepared sa mga questions na itatanong sa akin. Pero nakapasa naman po at nag-workshop kami for ten days. Kaya sa actual taping, hindi na rin naging mahirap sa amin at kay Direk Laurice Guillen. Maganda rin na dahil sa workshop, nagkaroon kami ng bonding ng buong cast at masaya kami tuwing taping days namin."

FHM PICTORIAL. Shifting to another topic, tinanong ng PEP si Krista kung binuksan na ng daddy niya na si Mat Ranillo III ang FHM na siya ang cover.

"Yes, ako po ang nagbigay ng copy sa kanya. Pero hindi ko alam kung binuksan na niya. Nagustuhan naman niya ang cover nang makita niya ito sa magazine stand at siniguro ko naman sa kanya na magaganda ang shots ng pictorial ko," saad ni Krista.

Ilan naman ang biniling kopya ng boyfriend niyang si Direk Dominic Zapata? Nang dumalaw kasi ang PEP noon sa taping ng idinidirek nitong Ako Si Kim Samsoon sa GMA-7, sinabi ni Direk Dominic na bibili siya ng 20 copies o kung maaari ay bilhin na niya lahat ang copies. Pero siyempre ay nagbibiro lamang siya dahil pagkatapos niyang makita ang pictorial ni Krista, wala naman siyang makitang masama sa pictorial.

"Nakakatawa nga si Direk Dom [tawag ni Krista sa boyfriend]," kuwento ni Krista. "Ipinu-promote niya sa staff niya ang FHM ko, pero huwag daw bubuksan. Kapag pinapirmahan sa kanya ang copy ng magazine, pipirmahan niya pero ibabalik niya ulit sa plastic at sasabihan ang nagpapirma na huwag munang bubuksan."

Sa anong men's magazine siya susunod na magpapa-cover? May advantage ba sa kanya ang pagiging cover niya ng FHM?

"May mga offer po na iba, but I think enough na ‘yong sa FHM," sabi ni Krista. "Marami na pong naitulong sa akin ang pagpayag kong maging cover ng FHM, dumami po ang mga offers sa akin. Dalawang movies ang gagawin ko, isa ang Babang Luksa with Direk Erik Matti at nag-audition na rin ako sa movie na ipu-produce ni former Congresswoman Imee Marcos."

SLOW START. Noon pa nagsimula sa showbiz si Krista, ano sa palagay niya ang nangyari at hindi umarangkada ang kanyang career?

"Napasabay po kasi ‘yon sa paglabas ng mga bold movies at hindi ko naman kaya ‘yon. Kaya naisipan ko noon na kumuha ng entrance examination sa Ateneo University. Humingi po ako ng sign kay Lord na kung makakapasa ako, iiwanan ko na muna ang showbiz at mag-aaral ako. Nakapasa ako, kumuha po ako ng Interdisciplinary Studies, major in Psychology and Communication Arts. I graduated last 2007. At saka ko na binalikan ang showbiz.

"Dumating po ‘yong offer to do Paupahan at happy naman ako, kahit po medyo nagkaroon ng intriga at nagkasamaan kami ng loob ng daddy ko. Naayos din po naman at maganda ang feedback ng movie.

"Sumunod po itong Hush Hush ng TV 5 at nagulat din ako nang tawagan ako ng ABS-CBN News & Current Affairs para mag-host ng "Star Patrol" segment ng TV Patrol World. I-try ko raw, tinanggap ko kahit hindi pa ako marunong magbasa ng teleprompter. Nakaka-tense, pero tinuruan naman nila ako kung paano magbasa sa teleprompter."

Regular na ba siya sa "Star Patrol," papalitan na ba niya si Phoemela Barranda?

"Hindi ko pa alam dahil nagbabakasyon daw lang si Phoem. Pero every Monday po ako; yung ibang days, iba naman ang naghu-host. Medyo nga po ako na-tense noong una akong naupo doon. Pero excited po ako kasi after ng FHM, feeling ko I'm respected na, may credibility na ako!" natatawang wika ni Krista.

Since nasa GMA Network ang boyfriend niya, saan ba siya talaga—sa ABS-CBN o sa GMA-7?

"Nasa GMA-7 po ang loyalty ko kasi doon na po ako talaga nagsimula, bata pa lang ako. Pero wala pa naman akong exclusive contract sa kanila. Sa ABS-CBN, madalas din naman akong nagge-guest doon. Sa ngayon, may bago po akong show doon for one month, every Sunday, ang Your Song, kasama ko si John Prats, ang ‘Give Me A Chance.' At least po, variety ang ginagawa ko sa ABS-CBN," saad ni Krista.



Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: