Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Korina, Sen. Mar madalas maglandian


Korina, Sen. Mar madalas maglandian
MAR ROXAS (photo by VER PAULINO)

NAGKAROON kami ng 3-hour chikahan with Sen. Mar Roxas nitong Martes ng gabi sa kanyang ‘Bahay na Puti’ residence sa may Araneta Center, Cubao.

Sa unang ‘sagupaan’ alanganin pa ang member of the press sa pagtatanong kay Sen. Mar. Kumbaga, pakiramdaman muna. Tungkol muna sa kanyang pagiging politiko ang questions ng press.

We asked him kung ano ang kanyang mga nagawa at mga ginagawa para sa taumbayan bilang senador. Sa dami ng kanyang sinabi, nataranta kami sa paglilista.

Ang mga natandaan lang namin ay ang ‘recent legislations’ na naipasa niya:

*RA 9501 or the Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises (enacted 23 of May 2008)

*RA 9503, known as the Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines Act of 2008 (enacted: June 6, 2008)

*RA 9504, exempting Minimum wage earners from income tax (enacted: June 17, 2008)

Naisulat din namin ang kanyang ‘key advocacies’ tulad ng Quality, Affordable Health and Education, More Money in People’s Pockets; Food Security; Consumer Welfare Protection; Philippine Trade Competitiveness; Government Transparency and Accountability; Judicial Reform at Maritime Safety – na lahat ay napapanahong advocacies para sa ikauunlad ng buhay ng mga Pinoy.

Dahil panahon din ngayon ng giyera sa Mindanao dahil sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaan at ilang sectors sa Minda-nao, tinanong din namin si Sen. Mar Roxas sa talagang stand niya rito.

Kontra raw siya sa naturang MOA dahil na-ngangahulugan daw ‘yun ng pagkahati-hati ng Mindanao at ng mga taga-Mindanao. At ayaw din natural ni Sen. Mar sa isinusulong ng pamahalaan na Federalism dahil nga mahati-hati ang buong Pi-lipinas sa form of government na ito.

At marami pang napag-usapan tungkol sa politics. At bandang huli, nakapagsingit na ang members of the press ng ilang ‘personal’ questions’ kay Sen. Mar.

At nang mapakiramdaman ng press na ‘game’ sa lahat ng topics, inulan ng questions ang Senador tungkol sa kanilang relasyon ng girlfriend na si Korina Sanchez.

Nagkakilala pala sina Sen. Mar at Ms. Korina sa isang pagtitipon sa National Press Club. Noon pa man daw ay may naramdaman nang kakaiba ang Senador.

Pero, matapos ‘yun ay bihira na raw silang magkita. Communication lang sa pamamagitan ng uso nang mga panahon na ‘yun na ‘pager’ ang naging ugnayan o ligawan nila.

Sa kuwento ni Sen. Mar, sa press sa chikahan habang pasulyap-sulyap kay Ms. Korina na nakaupo hindi kalayuan sa grupo, opisyal silang naging mag-on noong May 21, 2002.

Napahiyaw sa kilig ang ilang press people na Noranians dahil birthday ‘yun ng Superstar na si Nora Aunor.

Ang first date daw nina Sen. Mar at Tita Koring ay sa New York sa panonood ng pelikulang Matrix 1 ni Keanno Reeves. Matagal na rin ang kanilang relasyon, more than six years na. So, itinanong namin kung ano ang pinaka-quality na nagustuhan nila sa isa’t isa.

“We both want to contribute even in our little ways, or if given a chance sa maximum capacities namin para mapaunlad ang Pilipinas at mga Pilipino. Si Korina bilang broadcaster, at ako naman ay bilang public servant,” ser-yosong wika ni Sen. Mar.

“Sa parte ko, ang iniha-handog ko kay Koring ay tapat na pag-ibig. Last love ko si Korina,” aniya pa.

At ano naman ang frustrations nila sa kanilang relasyon.

“Bilang public servant, at siya naman ay media personality, enough time for us ang talagang wala kami. Enough time for each other ang wish talaga namin. Pero, tanggap naman namin ang sitwasyon dahil nga pareho kaming may tungkulin na dapat gampanan nang maayos.”

During weekends lang daw nagkakaroon ng matagal na bonding ang dalawa.

“Bonding lang kami. Landian. Ganun lang. Kung ako lang nga ang masusunod gusto ko hindi na nagtatrabaho si Korina.”

As in pambahay na lang siya? Bulalas ng press.

“Kung ako nga ang masusunod. Pero, hindi ko naman ipipilit ang gusto ko dahil alam kong mahal na mahal niya ang kanyang work,” pagdidiin ni Sen. Mar.

Pero, kahit sobra ang pagkakasundo ng dalawang nagmamahalan, meron pa rin silang magkataliwas na ugali. Ano ‘yun?

Muli, napatingin si Sen. Mar kay Korina. Tumango naman ang ace lady broadcaster bilang pagsang-ayon sa gustong ipahayag ng boyfriend politician. And then he said: “Very orderly ako. Si Koring naman ay last minute girl.”

Ginawang example ni Sen. Mar ang pagbibiyahe nila.

“Ako, ilang oras pa ang biyahe, inihahanda ko na ang mga kakailanganin. Ayoko kasing nangangarag kapag oras na. Si Koring, very confident siya na kaya niyang gawin ang lahat in a hurry. So, kung kailan paalis na, doon pa lang siya maghahanda.”





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: