Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Korina Sanchez knock-out sa trangkaso

Korina Sanchez knock-out sa trangkaso
Korina sanchez

Tatlong araw na hirap bumangon si Korina Sanchez. Sabi raw ng kanyang isip ay kayang-kaya pa niyang magtrabaho, pero kapag igina­galaw niya ang kanyang katawan ay meron siyang nararamdamang sakit, kinailangan niyang mama­hinga nang tatlong araw dahil nagkaroon siya ng ubo at sipon at trangkaso.

“Grabe! Iginagalaw ko ang katawan ko, pero ang sakit-sakit! Masasakit ang mga buto at laman ko, ganun ang pakiramdam ko, kaya talagang hindi ako nakapagtrabaho nang three days,” kuwento ng matapang at responsableng news anchor.

Barado pa rin ang kanyang ilong ngayon, sa pagitan ng kanyang pagho-host sa radyo ay sumisingit siya ng pag-ubo, nagkamali raw siya ng tingin sa kanyang sarili na siya si Wonder Woman.

Napakasipag naman kasi niyang magtrabaho, tatlong news program ang pinagkakaabalahan niya, dalawa sa ABS-CBN at isa naman sa ANC. Meron pa siyang radyo araw-araw, napakaaga niyang dumarating sa DZMM, samantalang madaling-araw na siyang nakauuwi mula sa Bandila.

Lagi siyang naka-chopper sa kanyang malala­yong interbyu kaya hindi siya gaanong apektado ng traffic, mabilisan palagi ang kanyang mga kilos, iisa lang kasi ang kanyang katawan para gampa­nan ang sangkatutak niyang trabaho sa buong maghapon.

At sa ganung pagkakasakit niya naaalala ang kanyang pamilya, may kani-kaniyang buhay na ngayon ang kanyang mga kapatid, ulilang-lubos na siya.

Parang nakikinita na namin ang mag-isang pagsasakripisyo ni Korina, meron siyang kasama sa bahay at dumadalaw sa kanya si Senador Mar Roxas, pero iba pa rin nga naman yung may pamilya kang nadadaingan at napaglalambingan kapag nagkakasakit ka.

“Pero wala akong karapatang i-baby ang pagka­kasakit, kailangan kong bumangon din agad para magtrabaho, napakarami kong obligasyon na kailangang tuparin buwan-buwan, I can’t afford to be idle,” napapailing na lang na kuwento ng magaling na komentarista at news anchor.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: