Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

Kim Chiu at Gerald Anderson, new show after My Girl?

Kim Chiu at Gerald Anderson, new show after My Girl?

KIM CHIU & GERALD ANDERSON (photo by VER PAULINO)

KAHAPON, nakipagkita sina Kim Chiu at Gerald Anderson kina ABS-CBN bosses Cory Vidanes at Deo Endrinal.

Hindi namin sigurado kung may kinalaman ito sa balitang pagtatapos ng My Girl.

One thing is sure, though, magtapos man ang My Girl, nakahanda na ang bagong show nina Kim at Gerald.

Kaya, hindi dapat malungkot ang Kimerald followers. Malaki na ang napatunayan ng loveteam ng dalawa, kaya hindi ito mababakante sa telebisyon.

Paglabas ng nasabing closed-door meeting, narinig namin si Kim na gustong mag-enroll sa gym. Nirekomenda naman ni Gerald ang gym where he works out.

Nagpa-block-off na rin ang Star Cinema ng dates para makapagsimula na ng shooting sina Kim at Gerald ng bago nilang pelikula.

Incidentally, Kim, Gerald and the whole My Girl cast will be at Ever Gotesco-Commonwealth for a show on August 18.

Holiday sa buong Quezon City sa 18th (in advanced celebration of the Quezon City Day on Aug. 19), kaya tiyak na durumugin ng tao ang nasabing show.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

1 comment:

Anonymous said...

Wow! excited na ako sa new show nila Kim and Gerald, thanks ABS!!