Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

Kilalang-kilala kasi ang partner...MELISSA RICKS, SURE NA HINDI SI MATT EVANS ANG NASA SEX VIDEO

Kilalang-kilala kasi ang partner...MELISSA RICKS, SURE NA HINDI SI MATT EVANS ANG NASA SEX VIDEO















HINDI alam ni Matt Evans kung bakit lagi na lang siyang nabibiktima ng mga malisyosong balita sa internet, latest of which ay diumano'y may sex video raw siya.

Pinagtatawanan na lang ito ni Matt at aniya ay hindi raw siya naba-bother dahil alam naman ng mga kaibigan at pamilya niya na hindi siya 'yun.

"'Yung mga friends ko nga, hinahanap kung saang site nakalagay, e, hindi naman nila makita. Pero may nakakita na pong reporter, ang sabi sa akin, hindi naman daw ako talaga. Philadelphian daw po," kuwento ni Matt nang makausap namin sa huling presscon nila ni Melissa Ricks for Iisa Pa Lamang.

Hindi pa rin daw niya napapanood ang nasabing sex video dahil hindi sya mahilig mag-internet.

"Kahit nga 'yung mga webcam na 'yan, hindi ko alam gamitin kaya imposibleng magkaroon ako ng sex video," sabi pa ni Matt.

Ang ipinagpapasalamat na lang niya ay maraming nagtitiwala sa kanya at naniniwalang hindi niya magagawa 'yun. Maging ang ka-love team nga raw niyang si Melissa ay malaki ang tiwala na hindi siya talaga 'yun at nagkakatawanan na nga lang daw sila.

Samantala, unti-unti na ring nasasanay ang tao sa bagong hairstyle ni Matt ngayon na kasalukuyang napapanood sa Iisa Pa Lamang.

Ayon sa young actor, mas gusto raw niya ang buhok niya ngayon kaysa noong kulot pa ito na mahirap i-manage. Pero kung kailangan daw talaga sa role, willing naman siyang ibalik ang kanyang curly hair.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

3 comments:

Anonymous said...

halatang GIMIK para mapagusapan pero in fairness i like this 2 ang cute nila sa Iisa Pa Lamang

Anonymous said...

i like these two,watch them everyday on Iisa Pa Lamang and they have improved a lot on their acting

Anonymous said...

gusto ko sila Matt and Melissa pero maganda paminsan ipair sila sa iba