Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 28, 2008

KC Concepcion's screen debut makes her parents proud


KC Concepcion's screen debut makes her parents proud

KC Concepcion's screen debut makes her parents proud

Isa sa mga pinakaaabangang pangyayari sa linggong ito ay pagku-krus ng landas nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa premiere night ng For The First Time, ang first movie ng anak nilang si KC Concepcion, na naganap noong ika-26 ng Agosto sa SM Megamall Cinema 9 and 10.

But everything had been well taken cared of by Star Cinema's management, Gabby stayed at Cinema 9 with Mr. Deo Edrinal, business head ng ABS-CBN, and some ex-Pinoy Big Brother housemates; while the Megastar, along with her husband Sen. Kiko Pangilinan, watched in Cinema 10 with all the big stars and bigwigs of ABS and GMA. In short, hindi nagtagpo ang landas ng dating mag-asawa.

Sa magkahiwalay na interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) with Sharon and Gabby, nagpahayag ng saya at pagsasalamat ang dalawa sa suporta at pagtitiwalang ibinigay ng publiko sa anak nilang si KC at sa kapareha nitong si Richard Gutierrez.

SHARON SAID. "Kung sobrang saya si KC, siyempre, hundred times ako Sobra ang pride ko sa naging turnout ng movie. Thank you sa lahat-lahat, ang baby ko naman ang kanilang minamamahal at si Richard din. It's a very beautiful movie, paglabas mo ng sine, masaya ka pero may mga moments na mata-touch kayo. Naiyak nga ako. I'm so proud of KC and Richard, di sayang ang pera ninyo. I also want to thank Star Cinema and Direk Joyce [Bernal], ang ganda talaga ng movie."

Naikuwento ng Megastar na todo raw ang kanyang pagdarasal para sa success ng screen debut ng kanyang panganay.

Aniya, "Saka dasal ako ng dasal, everyday nagdarasal ako coz masama din naman yung over confident ka. I know naman na susuporthan siya, I didn't doubt na marami ang manonood ng pelikulang ito pero to the last minute, may kaunting kang what if?

At dininig naman ng Diyos ang kanyang panalangin. "Dasal ako ng dasal, ang Diyos naman dinidinig niya ang panalangin natin, di ba? The only premiere night na napanood ko na ganito karami ang tao was Caregiver lang. Salamat sa sumusuporta sa aming pamilya."

Hindi nga raw siya makapaniwala na si KC ang napapanood sa screen na umaarte.

"Sabi ko nga kay Ruffa [Gutierrez], I can't believe she's up on screen. Dati
tabachongchong ‘yan pero now...Naku, wag ako ang tanungin ninyo, Nanay ako. Ang ganda-ganda ng anak ko, pinakamaganda siya, pinakamagaling saka bagay sila ni Richard."

On its opening day last August 27, 14 million daw ang kinita ng pelikula.

Sa success ng premiere night at sa patuloy na pagsuporta ng tao sa showing ng For The First Time, masaya si Shawie na makakahinga at makakapahinga na finally ang anak.

"Yung anak ko, she had only like maybe 2-3 hours," ang paunang kuwento niya. "Ngayon lang siya makakatulog ng diretso. Gusto ko ngang kidnapin para makapag-relax naman, gusto naming ilayo. Di ko rin naman masabihan kasi pareho kaming magtrabaho."

HAPPY GABBY. Sa Cinema 9 naman ay nagtilian ang mga tao nang pumunta dito sina KC at Richard at tawagin onstage ang ama ng dalaga, si Gabby.

Mahigpit na nagyakap ang mag-ama at naramdaman ng lahat kung gaano na-miss ng mga ito ang isa't-isa. Inamin naman sa PEP ng aktor na sabik siya sa panganay niyang anak.

"Mahigpit na mahigpit talaga ang yakap ko ko sa kanya. It's really
emotional...Yung nangyaring yun, 'di pelikula yun kung di sa totoong
buhay. Na-miss ko talaga si KC," ang kuwento ng dating matinee idol.

Just like the Megastar, Gabby is also proud of his daughter dahil sa success ng launching movie ng anak.

"I'm very, very happy for her, I'm so proud of KC. Nakakaiyak yung movie, siguradong marami ang makakagusto nito. Ang ganda-ganda ng
pelikula, magaganda lahat ng eksena, magaganda yung sa Greece kahit yung mga kuha dito. Ang galing talaga ng ABS and Star na gumawa ng ganitong klase ng pelikula," angmasayang nasambit ni Gabby.






Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: