Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 13, 2008

Kay Jake Cuenca naman nali-link si Jean Garcia!

Kay Jake Cuenca naman nali-link si Jean Garcia!
Written by Nitz Miralles

jake cuenca

HINDI ALAM NI Jean Garcia na nali-link siya kay Jake Cuenca at sa presscon lang ng Loving You niya nalaman nang may magtanong na reporter. Itinanggi nito ang natsitsismis nilang relasyon dahil friends lang sila mula nang magkasama sa Majika.


Hindi sila ang magka-date nang makita sa Embassy, she was with her friends kabilang si Rustom Padilla at iba naman ang kasama ng actor na lumapit sa kanya para bumati. Doon nagsimula ang tsismis sa kanilang dalawa at kung anu-ano na ang nadagdag.
Naniniwala na tuloy si Jean na malakas ang appeal niya sa younger men dahil after John Lloyd Cruz and Polo Ravales, kay Jake naman siya natsitsismis ngayon. Sa halip na ma-offend, natutuwa pa ito’t pabata nang pabata ang mga nali-link. Masaya raw kasama ang mga bata, kaya enjoy siyang laging kasama ang anak na si Jennica Garcia.


Nagkaroon tuloy ng idea si Jean na imbitahan si Jake sa birthday party niya sa August 22, kung saan, 38 years old na siya. Dahil tiyak na darating si Polo, magkikita ang dalawa.
Hindi lang para sa birthday niya ang party, pasalamat na rin sa patuloy na dating ng blessings. Isa sa ipinagpapasalamat ni Jean ay ang pagkakasama niya sa Dyesebel na humahataw sa ratings at sa box-office success ng Loving You na showing sa Aug. 20.




Source: Pinoy Parazzi





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: