Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, August 10, 2008

Katrina Halili says Joross Gamboa has got the edge over Marvin Agustin

Katrina Halili says Joross Gamboa has got the edge over Marvin Agustin

Katrina Halili says Joross Gamboa has got the edge over Marvin Agustin
Magandang avenue para sa mga Kapuso stars ang bagong drama show ng network na mapapanood every Thursday night, ang Obra na ididirek ng mga premyadong direktor kada episode. Sa mga ganitong show kasi nahahasa ang mga artista, especially ang mga baguhan pa lamang sa larangan ng pag-arte.

OVERLAPPING. Napakasuwerte nga ni Katrina na sa kabila ng kasalukuyang show niyang Magdusa Ka, at mag-o-overlap na ang mga huling taping nito sa bago naman niyang fantaserye, ang Gagambino, hayan at siya pa rin ang napili ng GMA-7 para maging featured star sa pilot month ng Obra.

Katrina will be directed by four directors in her four episodes, sina Joel Lamangan, Maryo J. delos Reyes, Bibeth Orteza, at Jun Lana. Kaya naman ganoon na lang ang pasasalamat ni Katrina sa pagtitiwala sa kanya ng Kapuso Network.

"Yun nga po, kagaya ng palagi kong sinasabi, sobrang nagpapasalamat po ako sa GMA dahil sa tiwalang ibinibigay nila sa akin. At saka, di po ba, noong nagsimula na ang Marimar, palagi ko pong sinasabi, ayoko na munang tumanggap ng kontrabida role, gusto ko namang gumawa ng iba, kahit pa po comedy.

"Hindi ko naman po akalain na papakinggan pala nila ako at ibibigay nila sa akin yung gusto ko nang mabilis," natutuwang sabi pa ni Kat nang makausap na ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dalawa pa nga lang daw ang naite-tape niyang episodes at magsisimula nang ipalabas ang Obra sa August 14, Thursday. Pero pareho raw mahirap ang dalawang nauna niyang ginawa at expected na raw niyang mahirap din ang dalawa pang gagawin niya.

"Yung taong Grasa po at Misteryosa pa lang po ang nagagawa ko. Pare-pareho lang pong mahirap; yung comedy at saka sexy, hindi ko pa po nagagawa pero tingin ko nga po, mahirap din. Kahit comedy, mahirap po."

THE BUSIEST. Busiest star na yata siya ng Kapuso. Bukod kasi sa mga TV shows niya, per Robin Padilla's request ay nakasama na rin siya sa cast ng Sundo ng GMA Films. Nandiyan pa ang sisimulan na niyang dalawang movies under OctoArts Films, ang One Night Only at ang remake ng 1981 movie ni Vilma Santos na Miss X na kukunan pa sa Amsterdam.

May panahon pa ba siya para sa sarili?

"Wala nang panahon para sa sarili, pero, masaya naman po ako. Nag-e-enjoy naman po ako sa trabaho ko. Actually, itong trabahong ito, parang hindi trabaho sa akin, para lang akong naglalaro sa set.

"Ang talagang pinakabayad lang sa akin, ang pagpupuyat. Kung nagpuyat ako sa Magdusa Ka, then, diretso ako ng Obra, puyatan na naman. Kailangan kahit napipikit ko na ang mata ko. Pero sabi ko nga po, yung trabaho ko kasi, masaya, para lang talagang naglalaro."

Kung ganyang wala siyang time sa sarili, e, di mas lalo pa sa love life niya?

"Wala naman po talaga kong love life, pero, okey lang, enjoy naman po, ganoon naman pong talaga."

MARVIN AND JOROSS. Magkaganunman, dalawang aktor ang nali-link sa kanya ngayon. Isang taga-Kapuso at isang taga-Kapamilya. Sina Marvin Agustin at Joross Gamboa.

"Pareho ko lang po silang kaibigan. Si Marvin po, nagkasama kami sa Virginia, pero bago pa kami magpunta ng Virginia, nagkaka-text-an na po kami. Nakadalaw na rin po siya sa bahay, mga tatlong beses na rin."

Pero hindi pa raw sila nagkakaroon ng chance na lumabas.

"Busy po ako, palaging walang time," natatawa niyang sabi.

When asked if galante ba si Marvin sa mga dinadala sa kanya kapag dumadalaw sa bahay nila?

"Wala, Ha-ha-ha! E, kasi kapag nagpupunta naman siya ro'n, minsan nagda-drop by lang naman siya."

Kumpara kay Marvin, with Joross daw ay nakakalabas na silang dalawa at nakakapag-date.

"Group date naman po, marami naman kami kapag lumalabas," may pagka-defensive pa niyang sabi.

"BARBIE DOLL." Natawa si Katrina nang tanungin siya ng PEP kung bakit sa palagay niya, "Barbie Doll" ang description sa kanya ni Joross.

"E, ganoon naman talaga ang description sa akin ng mga tao kapag nakikilala na nila ‘ko, ‘Barbie Doll'! Ha-ha-ha!"

Mutual naman daw ang feeling nila ni Joross na pareho silang caring sa isa't isa, pero, aniya, magkaibigan lang daw talaga sila.

"Hindi po siya nanliligaw, walang ligawan, magkaibigan lang talaga. Nagki-care siya sa akin, ako rin, kumbaga, masarap naman yung feeling na alam mo na may nagki-care sa ‘yo. Mabait naman po kasi si Joross at saka makulit."

Sa dalawa nina Joross at Marvin, aminado si Kat na mas lamang si Joross. In fact, nagkaroon na rin daw ng chance na maipakilala sa kanya ng aktor ang pamilya nito isang beses na lumabas sila.

"E, siyempre po, si Joross," tukoy ni Kat sa usapin kung sino ang mas lamang between Joross and Marvin. "Kasi mas palagi kong kasama...palagi kong ka-text, pero, friends lang po talaga."


Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: