Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 6, 2008

Katrina Halili reacts on reported pull out of Star Magic talents from "One Night Only"

Katrina Halili reacts on reported pull out of Star Magic talents from "One Night Only"

Katrina Halili reacts on reported pull out of Star Magic talents from "One Night Only"
Natiyempuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Katrina Halili sa SOP noong Linggo, August 3, dahil isa siya sa mga kumanta at bumati sa birthday celebration ni Dingdong Dantes sa naturang musical-variety show ng GMA-7.

Sinamantala na namin ang pagkakataon upang kunin ang reaksiyon ni Katrina sa balitang ipu-pull out ng Star Magic ang mga contract stars nila gaya nina Angelica Panganiban, Roxanne Guinoo, at Diether Ocampo sa pelikulang One Night Only, ang official entry ng OctoArts Films sa 2008 Metro Manila Film Festival.

Sa presscon kasi ni Katrina kasabay ng contract signing niya bilang contract star ng OctoArts Films ay nabanggit ang pagkakasali niya sa One Night Only samantalang wala naman talaga siya sa original casting. Dahil sa pagpasok niya sa pelikula, nagkaroon tuloy ng isyu tungkol sa magiging billing at laki ng papel ng bawat artistang kasali.

Ayon sa lumabas na report, ang dahilan daw ng pagpu-pull out ng Star Magic sa mga artista nila sa pelikula ng OctoArts Films ay ayaw nilang magmukhang suporta ang mga alaga nila kay Katrina na taga-GMA-7 naman. Ito ay sa kabila ng assurance ng direktor ng pelikula na si Jose Javier Reyes na pantay-pantay lang halos ang role ng main cast since iikot ang istorya sa 24 characters.

Paliwanag ni Katrina sa PEP, "Ang nangyari lang po kasi, yung presscon na yun, para sa contract signing ko. Ang ginawa nila, isinabay na lang nila yung pag-promote ng movie. Pero pantay-pantay naman po halos."

Sa isyung baka i-pull out ang mga taga-Star Magic sa pelikula—although may balita nai-pull out na dahil may ipinadala na raw na sulat ang Star Magic sa OctoArts Films—wala raw siyang alam dito. If ever na matuloy ang pagpu-pull out ng Star Magic sa ilang talents nila, ano ang mararamdaman ni Katrina rito?

"Okey lang, ayoko rin namang sumama sa mga taong ayaw sa akin!" natatawa niyang sabi. "Ayoko namang mamilit ng tao, di ba? Parang ang pangit naman no'n!"

During her contract signing sa OctoArts Films, sinabi niya na masaya siya sa pagkakataong makatrabho ang mga artista sa kabilang network, ang ABS-CBN.

"Well, happy po ako kahit na sino ang makakasama ko. Wala akong ano, na nasaktan ako sa kanila. Actually, nang malaman ko, no comment. Wala po, parang okey," saad niya.

Nag-aalala marahil ang iba na bibigyan siya ng special treatment ng OctoArts Films as their newest contract star at hindi maging fair ang exposure ng iba pang cast members sa pelikula. Kung tutuusin nga naman, especially on Angelica's case, hindi hamak na mas senior ito kay Katrina.

Pero ayaw bigyan ng kahulugan ni Katrina kung totoo man daw na may pull out ngang magaganap.

"Bakit naman po? Sino ba ako? Hindi po natin alam actually kung ano ang reasons nila. So, deadma na lang, kanya-kanya lang ‘yan. Ako rin naman, may mga movies din ako na hindi ko tinanggap, so kanya-kanya lang yun.

"Basta po ako, hindi ko naman po ipinipilit ang sarili ko sa kanila. Pero ako po, gusto ko po sila. Wala po akong problema sa kanila. So, siguro kung meron man ayaw sa akin, hihintayin ko na lang po na magustuhan nila ako," nakatawang pahayag ni Katrina, na bukod sa dalawang movies niya sa OctoArts Films ay may sisimulan din siyang movie under GMA Films, ang Sundo with Robin Padilla.




Source: PEP




JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: