Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 28, 2008

KATRINA HALILI, MAGPAPAKASAL SA MILYONARYONG D.O.M


KATRINA HALILI, MAGPAPAKASAL SA MILYONARYONG D.O.M















MASYADO raw misteryosa ang pagkatao ni Katrina Halili. Malihim ito pagdating sa kanyang love life. Wala pa itong inaamin na official boyfriend sa publiko although nali-link ito kung kani-kaninong aktor at ganu'n din sa ilang businessman.

Minsan, pinagdududahan din siyang lesbian dahil hindi nga nakikitang nakikipagdate. May bulung-bulungan pa na alaga si Katrina ng isang rich DOM na businessman.

Well, for sure, mas magiging curious ang publiko kapag napanood nila ngayong gabi ang episode na For Love or Money ng Obra kung saan magpapakasal si Katrina (as Myra) sa matandang milyonaryo na si Don Miguel (Eddie Garcia), pero mai-inlove sa personal driver nilang si Val (Polo Ravales).

Comedy ang atake ni Direk Bibeth Orteza sa istorya ng buhay ni Myra (Katrina) kung saan sunud-sunuran siya sa mga nakatatandang kapatid na sina Eugene Domingo (Ram) at John Sweet Lapus.

Pagkatapos dumaan sa dramatic role at suspense thriller na character sa Obra, susubukan naman si Katrina kung pupuwede rin siya sa kakaibang pagganap sa isang 'dark comedy'.

With Direk Bibeth Orteza, tiyak na hahagalpak ang viewers sa mga linyang bibitawan ni Katrina na hango sa mga classic pa pelikulang pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Sharon Cuneta atbp.

Halaw sa panulat ni Erlina Rapadas sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: