Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 27, 2008

Katrina Halili, itinatanggi ang isang sexy actor!

Katrina Halili, itinatanggi ang isang sexy actor!
Written by Melchor Bautista

PASINTABI KAY

katrina_halili_boraII_rs

KATRINA Halili, pero noong August 24, nakausap namin ang dating sexy actor at ngayo’y nagkokontrabida na rin sa pelikula na si Mike Magat, sa birthday party ni kasamang Roldan Castro, at nabanggit nito sa amin na nagkaroon talaga siya ng hinanakit kay Katrina, dahil sa nabalitaan niya nung nasa ibang bansa siya, na parang ayaw mapag-usapan ng sexy dramatic actress ang kanilang naging pagiging magkakilala, samantalang magkakilala naman sila talaga.


Hindi pa raw nag-aartista si Katrina, magkakilala na sila. Kaya nga raw, natuwa si Mike nang mabalitaan niya na sumali si Katrina sa StarStruck ng GMA-7 at mabilis ding nakilala sa showbiz. Ngayon daw sikat na sikat na ang morenang aktres, naiintindihan ni Magat kung ano ang dahilan nito kaya ayaw na siyang mapag-usapan. “Pupuwedeng baka makasama sa kanyang image. Baka iniingatan lang niya ang kanyang image, kaya ayaw na niya akong makilala at pag-usapan,” wika ng character actor.


Wala raw intensiyon si Mike na makisakay sa popularity ni Katrina. “Nalungkot lang talaga ako nung mabalitaan ko na idini-deny nga raw niya ako. Sabagay, hindi na ‘yan bago sa showbiz. Pero kung maiisip lang ni Katrina, alam niyang magkakilala kami at kung papaano kami nagkakilala. Alam niya rin, na kung anuman ang magandang nangyayari sa kanya ngayon sa career niya sa showbiz, happy ako para sa kanya,” banggit pa ni Mike.







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: