Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 4, 2008

Kapuso star Richard Gutierrez relates his work with Star Cinema


Kapuso star Richard Gutierrez relates his work with Star Cinema

Kapuso star Richard Gutierrez relates his work with Star Cinema

Teaser pa lang ng first movie together nina Richard Gutierrez and KC Concepcion na For The First Time, curious na agad ang dalawa na malaman ang reaksiyon ng publiko. Unang nasilayan ang teaser ng For The First Time sa premiere night ng A Very Special Love, kung saan namangha ang audience sa magandang kumbinasyon nina Richard at KC sa screen.

"Talaga? That's good. I'm excited na!" sabi ni Richard habang katabi si KC sa presscon ng For The First Time last Thursday, July 31, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ayon sa teaser, ang love story nina Richard at KC "is something that everyone thought would never happen." Si Richard kasi ay contract star ng GMA-7 samantalang si KC naman ay identified sa ABS-CBN.

"Yun nga, e, kaya talagang masayang-masaya ako," sabi ni Richard. "Masayang-masaya rin kaming dalawa kasi nga natupad yung pangarap namin, na finally nangyari yung pangarap namin na gumawa ng pelikula uniting the two networks [ABS-CBN and GMA-7].

"I mean, isa siyang... Parang ang layo kung iisipin mo. Pero yun ang gusto naming nangyari and I think it's also good fore the industry na sana tuluy-tuloy na ganun, na we're breaking down the wall in between them na din, we're uniting the two networks and sana tuluy-tuloy nga.

"Kasi sa mga interviews ko before in the past, lagi kong sinasabi ‘yan e, na sana makatrabaho ko yung mga artista sa kabila, sana ganun. At ngayon nangyari na. So, I'm very blessed, I'm very thankful," pahayag ng young actor.

Dapat magpasalamat si Richard kay KC na nakipaglaban din para sa kanya na maging first leading man niya sa kanyang launching movie sa Star Cinema Productions.

"Oo, siyempre I‘m very thankful to her, di ba? First movie niya ‘yon. First movie niya ito ‘tapos ako ang kasama niya. I'm very happy and very blessed and sabi ko sa kanya, we'll gonna have fun. I promised her that. And I promised her na I will do my best. So, ayun."

CROSSING THE LINE. How does it feel working with Star Cinema?

"Well, I'm very happy to be working with Star Cinema. Yun nga, nabigyan nila ako ng opportunity na makapagtrabaho sa kanila at isa yun sa mga privileges ko siguro as an actor," saad niya.

Kumusta naman siya sa set at working relationship niya with Star Cinema's staff and crew?

"Wala namang masyadong ipinagkaiba sa ibang mga production outfits. Siguro ako ngayon, ine-experience ko lang yung working with different group of people, different group of filmmakers na iba rin yung tactics nila, na iba rin ang applications nila.

"So, natututo ako. And natututo ako maki-mingle sa mga tao, sa ibang mga klaseng filmmakers. And that's very good for me. Kasi na-experience ko na ang GMA, na-experience ko na ang Regal, at ngayon naman Star Cinema."

Dahil sa paggawa niya ng movie sa Star Cinema, marami raw tuloy ang nainggit kay Richard, ang ibang mga artista ng GMA-7.

"Ay, well..." natawa na lang siya.

RICHARD'S DREAMS. Seven years na si Richard since he made his comeback as a teen actor. Marami pa rin daw siyang dream at pelikulang gustong gawin.

"I wanna do another...marami pa akong roles na gustong gampanan. Siguro mas serious ng konti, mas heavy ng konti. I want an action movie."

Idol daw niya sina Leonardo DiCaprio at Rusell Crowe.

"Pero hindi ko naman minamadali, e. For me, darating din ako doon. Ngayon, kung ano ang ibigay sa akin ni Lord, tatanggapin ko," aniya.

What about gay role?

"Hindi ko siya gusto," mabilis niyang tugon. "Pero kung may darating sa akin na magandang-maganda at maganda yung treatment, siyempre kung maganda yung project pero hindi ko naman hinahanap-hanap... ‘Tsaka siguro hindi pa kasi tugma sa career path ko ngayon, yun lang."

RICHARD'S TOUCH. Habang kausap namin si Richard ay panay naman ang hipo niya sa hita ni KC. Kaya tinanong namin si Richard kung ano ang ibig sabihin ng paghawak-hawak niya sa hita ni KC.

"Ang ibig sabihin noon ay pagmamahal at paglalambing," ngiti ni Richard.

Bakit sa hita?

"Hindi, sa tuhod lang naman, e. Ganun lang talaga ako. I show how I feel. Malambing lang talaga ako," paliwanag niya.

IDENTICAL NECKLACE. Ipinakita rin sa amin ni Richard ang identical necklace nila ni KC na binili niya sa Santorini Is., Greece, kung saan sila nag-shoot ng movie nila.

"Ito yung ‘loveahh.' Galing sa lava ‘yan ng Santorini. Kasi Santorini is made up of three volcanoes. The whole island is a volcano. Yeah, kaya laging may earthquake. There's always eruptions.

"And when you swim in the Aegean Sea; the Aagean Sea, yung dagat po nila doon, and then...it's very salty. And then, ‘pag dumive ka, walang corals, it's pure lava. Sobrang clear ng water pero gray lang siya na parang lava siya na gray. ‘Tapos yung mga isda, nasa corners lang. Walang isda anywhere," kuwento niya.

Bakit yun ang napili niyang ibigay kay KC?

"Ito [sabay hawak sa suot niyang necklace] yung symbolism nung kasi ng Santorini. Ito yung buong island nila. The whole island is made up of lava, so this is part of Santorini," paliwanag niya.

Ganyan din ba ang hitsura ng identical bracelet nila ni KC?

"Hindi. Yung bracelet is made up of may mga symbols.

Ano yung mga symbols?

"Yung symbol kasi noon, may isang babae, may isang lalaki ‘tapos parang it means daw that through rain or shine magkasama silang dalawa. "

Parang sila ni KC, rain or shine, laging magkasama?

"Parang ganun," nakangiting pagsang-ayon ni Richard.




Source: PEP

No comments: