Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, August 20, 2008

Kahit love team pa sila, Ehra Madrigal at John Prats, walang kissing scene sa pelikulang Loving You

Kahit love team pa sila, Ehra Madrigal at John Prats, walang kissing scene sa pelikulang Loving You















MAGANDA ang role ni Ehra Madrigal sa pelikulang Loving You na idinirek ni Don Cuaresma. Malayo sa dati niyang sexy image ang kanyang character bilang Bryle, isang call center agent na frustrated commercial model.

Pinaghalong drama-comedy ang ginawang atake ni Ehra sa kanyang karakter na laging nabibigo sa pag-ibig. Pero eventually, matatagpuan din si Mr. Right sa katauhan ni John Prats na kapareha niya sa pelikula.

Sina Ehra at John lang ang walang kissing scene sa Loving You and yet, super-saya at excited si Ehra dahil finally, nakagawa naman siya ng pelikula na hindi siya nagpapa-sexy at walang mahihirap na routine tulad ng mga una niyang programa sa telebisyon.

For a change, nabigyan naman siya ng chance ni Direk Don Cuaresma na magdrama at ilabas din ang kanyang kikay side.

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar







JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: