Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 19, 2008

Kabado si Dennis Trillo sa kanyang Gagambino

Kabado si Dennis Trillo sa kanyang Gagambino
Written by Nitz Miralles

Dennis Trillo
HINDI NATULOY ANG story conference ng Gagambino noong Wednesday last week at may mga inaayos pa yata sa script. Si Dennis Trillo ang bida ng bagong show ng GMA-7 na papalit sa Dyesebel. Excited ang actor dahil bukod sa malaking project ito, nagbabalik-primetime rin siya, kaya ‘di maiwasan siyang kabahan.


Makakapareha ni Dennis sa Gagambino sina Nadine Samonte at Katrina Halili at kasama rin ang love team nina Mart Escudero at Jennica Garcia. Naghahanda na ang actor para mapaganda ang bago niyang show to be directed by Topel Lee.


Habang wala pa ang Gagambino, sa Magdusa Ka muna mapapanood sina Dennis at Katrina at sa last two weeks ng soap, marami pang mapapanood na mangyayari sa characters na minahal ng viewers. Malaki ang pasasalamat ng actor sa Magdusa Ka dahil napatunayan niyang kaya rin niyang gumanap ng barumbado role na anti-hero sa simula ng istorya nito.


Samantala, pinaghahandaan na rin ni Dennis ang 1st birthday ni Calix Andreas, ang anak nila ni Carlene Aguilar. Isang bonggang children’s party ang regalo niya sa anak at isang expensive stroller na ayaw sabihin kung anong tatak. Si Carlene ang bumili ng stroller at galing sa kanya ang pera.


Ipinagmalaki pa ni Dennis na at his age, may ear for music na ang bagets dahil tuwing makakarinig ng music, hinahanap ang pinanggagalingan. Kaya ibinili niya ang bagets ng hand drums na napaglalaruan nito.








JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: