Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 11, 2008

John Prats not moving to GMA

John Prats not moving to GMA


NAUDLOT ang paglipat ni John Prats sa GMA-7. In a talk with TEMPO sa presscon ng "Loving You," sinabi ni John na mananatili siya sa ABS-CBN and soon ay magre-renew siya ng contract for another one year.

Inamin ni John, for the past few months ay parang roller coaster ride ang naramdaman niya. Totoong may offer ang GMA na isasama siya sa isang project. Ang manager niya ang nakipag-usap but somewhere along the way, naudlot ang negotiation bagama't ayaw mag-elaborate ni John what really transpired.

From a source, isasama sana si John sa "Gagambino" na pagbibidahan ni Dennis Trillo. No regrets naman si John na aniya, "Kung saan ako maggo-grow sa career ko, du'n ako. Basta ako, nagtatrabaho lang at ang manager ko ang nakikipag-usap.

About his lovelife, inamin ni John na exclusively dating sila ni Shaina Magdayao. Wala silang monthsary dahil wala naman silang formal relationship. Basta aniya, more than MU (mutual understanding) ang namamagitan between them.

Wayback 1996 pa sila magkakilala ni Shaina na nakasama ng sister niyang si Camille sa "Marinella." Close friends ang dalawa, ayon kay John. Hindi nga raw niya ini-expect na madedebelop siya kay Shaina.

"Last year lang nagkaroon ng kakaibang tibok ang puso ko sa kanya," pag-amin ni John. "Thoughtful at malambing siya. May petty quarrels kami, like magpapabili siya ng double cheeseburger sa McDo. Pero cheeseburger ang idedeliver," tsika ni John.

Pa-cute raw kung magselos si Shaina. Nang ipaalam niyang may kissing scene siya kay Ehra Madrigal sa "Loving YOu," "Bakit may gano'n?" sey raw ni Shaina. "Naiintindihan naman niyang trabaho lang 'yon. Eh, siya rin nga, nakipag-kissing kay Piolo Pascual sa 'Lobo'. May selos factor din ako. May kaunting kirot sa puso pero naintindihan ko na trabaho lang 'yon," ani John.

Asked kung nag-open up ba sa kanya si Shaina tungkol sa family problem nito regarding her mom, never siyang nagtanong, sey ni John. "Pam-pamilya 'yon at ayokong makialam. Basta, hinihintay ko lang siyang mag-open up," said John.

Rowena Agilada, Tempo






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: