Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, August 12, 2008

John Prats confident on his chances with Shaina Magdayao

John Prats confident on his chances with Shaina Magdayao

John Prats confident on his chances with Shaina Magdayao
Umamin na si John Prats sa tunay na estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao sa presscon ng Loving You (directed by Don Cuaresma) sa Imperial Palace in Timog Ave., Quezon City, last Friday, August 1. Dahil dito, nalinaw ang tsismis na nagkakalabuan na sila ng younger sister ni Vina Morales.

"We're happy, wala namang ganun," diin ni John.

"Ang amin lang kasi, ang weird lang sa amin kasi yun nga, hindi kami naghahanap ng ibang ka-date and we're exclusively dating. Exclusive ako na siya ang dini-date ko, exclusive na ako ang dini-date niya. And alam naman niya na love ko siya, e, hindi ko dine-deny."

Love din kaya siya ni Shaina?

"Ako naman sa nararamdaman ko, oo naman."

Paano siya na-in love kay Shaina?

"Si Shaina naman kasi caring talaga and I've known her since. Eight to nine years na kaming magkakilala as friends and friends sila ni Camille [Prats], ng sister ko. ‘Tapos ngayon bihira kaming magkatsikahan ngayon dahil iba ang work namin ngayon. So, pagkatapos ng ASAP or ‘pag may time, dumadalaw ako sa bahay nila. So, ganun. Ganun pa lang ang pagkikita namin. ‘Tsaka kasi mas lamang yung friendship kesa yung tratuhan namin sa isa't isa."

MUTUAL UNDERSTANDING. Hindi ba siya nagwo-worry na baka mawala ang friendship nila pagkatapos niyang magtapat ng real intentions niya for Shaina?

"Hindi ako natatakot, kasi ayoko naman dumating ang panahon na baka wala akong masabi sa kanya."

Masasabi ba niya na may mutual understanding na sila ni Shaina?

"Siguro naman kasi exclusively dating kami. ‘Tsaka lahat naman ‘ata ng tao, alam kung ano yung pag sinabi yung friends lang at more than friends."

Nasabihan na niya si Shaina ng, ‘I love you'?

"Ang hirap sabihin noon. Pero nasabi ko naman sa kanya yun."

Ano ang sagot sa kanya?

"Hindi pa siya sumasagot," sabay tawa ni John. "Pangit naman kung 'same to you.'"

Willing ba siyang maghintay kay Shaina?

"Siyempre naman. Nakapaghintay na ako ng ganito katagal, e. Actually yung sa akin kasi wala naman na akong hinahanap na iba. Kumbaga, napagdaan ko na yung days na, you know, na nag-date ako ng nag-date. Nag-try akong mag-date and mag-explore. Now, parang masarap lang kasi mas ang focus mo ngayon sa career.

"Mas alam ko na. Steady lang ako, balance lang ako. Hindi ako yung, kasi ‘pag bata ka lalo na sa lalaki, like yung sinasabi ni Paul [Polo Ravales, co-star niya sa Loving You] na mas matagal mag-mature ang lalaki? Totoo yun.

"Kasi dumating ako sa time na parang I was trying to prove something to myself na kailangan marami kang tsiks, kailangan ganun. But now, nasa point na nandyan siya at alam niyang nandito lang ako para sa kanya, ah, masayang-masaya na ako doon."

Ano ang mga nabago sa buhay niya nung dumating si Shaina?

"Mas naging steady, ‘tsaka yung, hindi na ako naghahanp ng iba. Dati kasi ‘pag nagdi-date ka lang, parang okey na ‘yon. Basta date ka lang nang date, okey na yun. First time kong ma-experience yung exclusively dating, na you know, I'm exclusively dating her na siya lang."

Since exclusively dating na sila, hindi na puwedeng tumanggap ng ibang manliligaw?

"Hindi naman. Ako lang naman kasi, ewan ko sa kanya, ha. Pero so far naman si Shaina hindi ganung klaseng tao."

BLAMED. Sinisi rin ang pagkaka-link ni John kay Shaina sa pagkakasira ng love team ng dalaga with Rayver Cruz.

"Ano naman ang sinira ko? Ang akin lang naman, never ko naman sinira dahil never naman akong nagpainterbyu para sabihin na kami na ni Shaina o gawing love team kami. Kung ako lang, kung puwede sana itago ito para respeto lang...and I want to keep things privately with her. Ayoko lang sanang magsalita kasi ayaw kong ma-misinterpret ng ibang tao."

Chummy ba sila ni Rayver o nagpaplastikan lang?

"Oo, magkaibigan kami. Kasi gentleman's rule yun, e. Siguro kung naging sila ni Shaina ‘tapos nanligaw ako, foul yun. Pero kung wala naman, single naman si Shaina."

PAIRED WITH JAKE. After Rayver, kay Jake Cuenca naman ipi-pair si Shaina.

"Trabaho yun, e. ‘Tsaka si Jake, okey din naman."

Paano kung ligawan ni Jake si Shaina?

"Uhm...sa tingin ko nasa pag-iisip na lang ng mga tao yun. Ako kasi I've known kasi Shaina for the longest time."

Secured na ba siya kay Shaina?

"Secured ako sa pagkatao niya."

What about kay Jake? Nakakasiguro ba siya sa aktor na hindi mai-in love kay Shaina?

"Ah, si Jake kaibigan ko."

Sabi nila sa pag-ibig daw walang kai-kaibigan.

"Ah, talaga? Ah, na kay Shaina naman lahat, e. Basta ako masaya ako and no one can stop me."

CONFIDENT JOHN. Basa ng ilan, confident na si John kay Shaina.

"Uhm, bilang tao si Shaina kilala ko siya. ‘Tsaka ako, kasi yung taong hindi ako nai-insecure. Hindi ako nai-insecure kahit sa trabaho, kahit sa lahat wala akong ano, wala akong kinaiinsekyuran. Kumbaga, confident ako as long as wala akong pinapakitang masama sa mga tao at pinapakitang masama kay Shaina, ano yung dapat kong ikatakot?"

Ilang buwan na ba sila ni Shaina?

"Nung nag-start ako manligaw sa kanya, last year, e. Alam ko last year. Basta wala kaming date, e. Hindi kami nakapagbilang."

Wala silang anniversary?

"Wala, well, basta nag-start ‘yan nung ano, e, after Lovespell doon kami naging close ni Shaina."

Close friend ni John si Luis Manzano na balitang kasintahan ni Angel Locsin. Nagkaroon ba ng chance na nag-foursome sila ng date ni Luis with Angel at kasama naman niya si Shaina?

"Never, kasi never pa kaming nakalabas ni Shaina. Wala pa'ng pagkakataon na nakalabas kami ni Shaina."

Paano sila naging exclusively dating?

"Sa bahay niya. That's how I respect her family."

Hindi sila nanonood ng sine?

"Nakapanood kami once pero matagal na. Kasama ko sina Nikki Gil, nung time na ano, pelikula ni Will Smith? Yung mahirap lang sila? Pursuit of Happiness.

"Kaya hindi kami nakakapag-double date ni Luis. Ang ano lang namin, ang tambay lang talaga namin ni Shaina like after ASAP '08, yun sila. Pero hindi namin nakakasama si Angel. Kami lang nina Luis, Nikki, si Iya [Villania], nagpa-Fridays kami bago umuwi. Lunch lang after ASAP. Kasi ‘pag ASAP hindi kami nakakapag-lunch."

Gaano niya kamahal si Shaina?

"Well, obviously nakakapaghintay ako and, ah...kuntento na ako, e. Well, wala akong masabi sa ngayon, wala akong makita talaga e. Sobra akong happy and kuntento."




Source: PEP





JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: