Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 14, 2008

John Prats, 4 new shows sa Dos

John Prats, 4 new shows sa Dos

JOHN PRATS (photo by VER PAULINO)

APAT na shows ang naghihintay kay John Prats sa pagpirma niya ng new contract with ABS-CBN.

Siya ang bida sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony. Siya rin ang bida sa Your Song Presents sa buwan ng September.

May important role siya sa I Love Betty La Fea at isa pang yet untitled sitcom.

Kamakalawa sa contract-signing, overjoyed si John. In his almost 17 years sa ABS-CBN, ’yun lang ang pagkakataong na-experience niya na mag-contract-signing.

Kasama ni John ang manager niyang si Arnold Vegafria.

“Ang sarap pala ng feeling na pumipirma ka ng kontrata with all the bosses present. Happy ako. Sobra!” aniya.

Sabi nga ni Cory Vidanes (TV production head ng ABS-CBN), “’Yan ba ang aalis? Four shows? Magagalit si Manong (Gilbert Perez) kapag umalis si John sa ABS-CBN.”

Para sa kaalaman ng marami, anak-anakan si John ng pumanaw na direktor. Very close ang Prats family kay Manong.

Noong Martes din ay nag-first taping na rin si John for Tiny Tony, isang tiny superhero.

Hindi rin nakaiwas si John sa mga tanong tungkol sa status ng relasyon nila ni Shaina Magdayao, which he described as “exclusively dating.”

“Nu’ng nagsimula na kaming mag-date, never na akong nakipag-date sa ibang girls,” sabi ni John.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: