Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, August 25, 2008

John Lloyd Cruz tinuturuang manamit ng GF


John Lloyd Cruz tinuturuang manamit ng GF


John Lloyd Cruz and Liz Uy

Medyo nasorpresa si John Lloyd Cruz nang ibigay sa kanya ang role ni Armando sa inaabangan nang I Love Betty La Fea na tatampukan ng kanyang ka-loveteam na si Bea Alonzo. Akala talaga niya ay matatagalan pa bago sila muling magkasama pero, naiintindihan niya kung bakit sa kanya muling ipinag­katiwala ang role.

“Magandang opportunity sana para sa amin ni Bea na ma-pair sa iba para naman hindi kami nagiging dependent sa isa’t isa,” pauna niya sa isang mada­liang pa-presscon na ibinigay ng ABS-CBN para sa kanya.

“It would help sana kung napanood ko yung any of the Betty La Fea series pero hindi eh, kaya magdi-depend na lamang ako sa director. Pero, kapag nagkaroon ako ng time, talagang papanoorin ko ito,” sabi niya.

Tinanong si John Lloyd kung bakit siya madalas bigyan ng projects ng kanyang mother studio.

“Siguro dahil bukod sa guwapo ako ay napaka-sincere ko sa trabaho ko. From the last, naging open ako, nagtapat at hindi nanloko to protect my career. I even admitted my relationship with Ciara Sotto kahit magkaiba kami ng company,” sabi niyang may halong pagbibiro at inaming hindi siya comportable sa kanyang guwapong packaging.

“Marami pang dapat baguhin sa akin, ayusin, katulad ng aking buhok,” dagdag pa niya.

For the series, John Lloyd will be provided with a stylist. “Mabuti na lamang tinuturuan ako ni Liz (his gf) ng tamang color combination. Maraming beses we shop together at tinutulungan niya akong pumili ng mga damit na bibilhin ko. Dati kasi, tumitingin lang ako sa brand, hindi ako marunong mag-mix and match.”

Bukod sa I Love Betty La Fea, John Lloyd will soon start shooting his movie with Vilma Santos.

“Pero, hindi ito tuluy-tuloy. May mga kailangan lang kaming i-shoot agad,” imporma niya. He is portraying the role of the lover ng anak ni Vilma sa movie ng isang bading. Ang movie na ididirek ni Olive Lamasan ay isa na namang bagong hamon sa aktor na isa sa pinakamagaling na aktor sa bakuran ng ABS-CBN/Star Cinema.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: