Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, August 21, 2008

John Lloyd Cruz -- Nakatakdang Gumawa Nang Apat Na Pelikula!!!

John Lloyd Cruz -- Nakatakdang Gumawa Nang Apat Na Pelikula!!!

hearthrob  concert

Hindi maitatanggi na napakaganda nang takbo nang career ni John Lloyd Cruz. Mula sa certified BLOCKBUSTER HIT na "A Very Special Love" na hanggang ngayon ay pinipilahan pa, kahit mag tatalong linggo na ito.

Matapos mapili at ipakilala bilang Armando Solis, para sa muling pagtatambal nila ni Bea Alonzo, sa inaabangang at pinaka kontrobersyal na teleserye ang Betty La Fea. Ay magiging abala din sa pagawa nang pelikula. Ito dahil sa apat na pelikula na naka linya para sa kanya nang Star Cinema.

Una ay ang pelikula nila nang Star For All Season at Governor nang Batangas na si Vilma Santos. Kung saan gaganap siya bilang may ka relasyon na bakla, na gagampanan ni Luis Manzano na anak ni "Ate V" sa pelikula at totoong buhay. Kukunan ang pelikula sa America at magtatagal sila doon nang labing limang araw. Baka by next month magsimula na sila i shoot ang film na ito na kukunan din ang ilang bahagi, sa Batangas.

Pangalawa ay ang pelikula nila ni Angel Locsin, na magiging "Valentine Offer" nang Star Cinema. Kukunan din ang ilang bahagi nang pelikula sa ibang bansa, ngunit wala pang tiyak na lugar kung saan ito. Ang pinagpipiliang lugar ay ang New Zeland, Brazil, at Mexico. Makakasabay din nila ang pelikula nang GMA Films na itatampok ang muling pagtatambal nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Pangatlo ay ang pelikula naman nila ni Marian Rivera. Ito ay magiging joint venture nang Star Cinema at Regal Films. Ito ay proposal ni Mother Lily Monteverde sa Star Cinema, para hindi na sila maghabol sa nagober de bakod nilang talent, na si Angel Locsin. Wala pang istorya, wala pa din location. Pero Regal ang mamahala nang story at location. Pati crew at staff ay sa regal din ang gagamitin. Ang tanging ambag o partipasyon lang nang Star Cinema, ay ang kalahati nang ka buoang gastos, at si John Lloyd Cruz na exclusive contract star nila.

Pang apat ay ang pelikula nila ni KC Concepcion, na dapat ay nauna kay sa pelikula ni Richard Gutierrez at KC. Nagkataong gumagawa nang pelikula si John Lloyd katuwang si Sarah Geronimo, nang mga oras na iyon, kaya naudlot ito. At pinauna muna ang pelikula ni KC at Richard. Pero ang story daw nito, ay iba. Hindi ito ang story na ginagampanan ni Richard, para sa pelikulang "For The First Time". Isang heavy drama, with touch of comedy ang gagampanan nila. Pero malakas din ang bulong bulongan na baka ang remake nang pelikula ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang gawin nila. Ito ay ang "Dear Heart". Na mukhang papayag na si Megastar na gawin ang reamake nito, dahil sa ang anak niya mismo ang gaganap dito.






JoKer DeTor
Showbiz Top i-News

Please send your comments, suggestions, and reaction to our email address...

sti_n23@yahoo.com

Please dont forget to put a comment on each article. Thanks!

Your thoughts are important to us. So be it!

No comments: